Bakit Mahalaga Ang Pakikipagtalastasan? (Sagot)
PAKIKIPAGTALASTASAN – Sa paksang ito, aalamin natin kung bakit nga ba mahalaga ang pakikipagtalastasan?
Ang ating buhay ay puna ng pakikipagtalastasan. Dahil rito, hindi puwedeng tignan ang pakikipagtalastasan bilang simpleng pagsasalita lamang. Gayun rin, hindi natin dapat ipagmaliit ang simpleng pagsasalita.
Ang pagkakaunawaan ay isang aspeto ng mabuting lipunan. Pag mayroong pagkakaunawaan, mawawalan ng pagkakataon ang mga tao na gumawa ng masama sa isa’t-isa. Hindi ito makakamit kung walang pakikipagtalastasan.
Sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan ay mabilis tayong makahanap ng kaibigan. Ang isang taong hindi palasalita at hindi mahilig makisalamuha sa kapwa ay kaunti ang kaibigan. Ngunit, may mga tao namang hindi ganun ka daldal ngunit maraming kaibigan.
Pagdating naman sa propesyon, ang pakikipagtalastasan ay malayo ang mararating. Hindi lamang “hard skills” katulad ng mga teknikal na kaalaman ang kailangan mo upang maka-asenso sa trabaho. Kailangan ring ipakita ang iyong “soft skills”. Isa na rito ang kung paano ka maghahalubilo sa iyong mga kasama, lalo na sa iyong boss.
Bukod rito, ang isa sa pinakamahalagan aspeto ng pakikipagtalastasan ay ang pagpapalit ng mga ideya. Sa pamagitan nito, nabibigyan pagkakataon ang mga tao na ipahayag ang kanilang mga saluobin tungkol sa iba’t-ibang suliranin na maari nating bigyan solusyon.
Panghuli, kung wala tayong komuniskasyon o pakikipagtalastasan sa isa’t-isa, hindi tayo maaring tawagin na isang komyunidad o lipunan.
Basahin rin: Ano Ang Bilingguwalismo? Kahulugan At Halimbawa Nito