Ano Ang Bilingguwalismo? (Sagot)
BILINGGUWALISMO – Sa paksang ito, ating alamin kung ano nga ba ang tinatawag na bilingguwalismo at ang mga halimbawa nito.
Ang pagiging bilingguwal ay ang kakayahan ng isang taong magsalita nag higit sa isang wika or lenguwahe. Kadalasan, ang mga Pilipino ay mga bilingguwal na mula sa maagang edad. Eto ay dahil ang Filipino at Ingles ay parehong ginagamit bilang opisyal na wikang panturo sa Pilipinas.
Bukod rito, dahil sinakop rin ang Pilipinas ng mga Kano, marami sa kanilang kultura ang nakuha natin, isa na rin dito ang kanilang wika. Samantala, ang mga Pinoy na naninirahan sa Visayas at Mindanao ay higit pa sa mga bilingguwal.
Hindi lamang Filipino at Ingles ang itinuturo sa mga paaralan sa Visayas at Mindanao. Mayroon rin kasing iba’t-ibang diyalekto ang bawat pulos sa Pilipinas. Kaya naman, hindi lamang Tagalog at Ingles ang kanilang maiintindihan.
Ngunit, may mga taong hindi lamang magaling sa Filipino at ang mga diyalekto nito. Ang mga taong katulad ni Dr. Jose Rizal ay isa sa mga tinatawag na “polymath”. Sila ay mga taong may malawak na kaalaman sa maraming mga kapaksaan. Isa na rito ang Linguwahe.
Si Jose Rizal ay maalam sa Tagalog, Ingles, German, Katsila, French, at iba pang mga linguwahe. Bukod rito, marami sa kanyang mga sulat ay ginamitan ng linguwaheng katsila.
BASAHIN RIN: Alamat Ng Bulkang Mayon – Mga Aral Na Nakuha Sa Kuwento