Ano Ang Kahulugan Ng Lingid Sa Kaalaman? (Sagot)
LINGID SA KAALAMAN KAHULUGAN – May mga taong pribado at hindi masyadong nagpapakita ng kanilang buhay sa publiko. Subalit, meron silang tinatagong sekreto na walang ibang nakakaalam.
Sila ay may lingid na buhay. Ang ibang tao ay walang kaalaman sa mga pangyayari ng mga taong ito. Gayunpaman, heto ang ibig sabihin ng “Lingid sa Kaalaman”.

Ito ang tinatawag sa mga bagay-bagay na naka tago sa ibang tao o sa karamihan ng mga tao. Heto ang halimbawa ng mga pangungusap na gumagmit ng “Lingid sa Kaalaman”.
- Lingid sa kaalaman ng iba, si Peter pala ay may negosyong face shield na ibinibenta niya sa mga gobyernong lokal.
- Nagpakita ito kina Maria at Elisabet nang lingid sa kaalaman ng iba.
- Siya’y ipinalayo sa bahay nang lingid sa kaalaman ng kanilang pamilya.
- Sa araw, nagtatrabaho siya sa kompanya, ngunit lingid sa kaalaman ng iba at sa ilalim ng panganib, pinuntahan niya si Eva.
- Lingid sa kaalaman ng madla, si Adrian ay gumuwa ng sariling negosyo sa maghapon matapos ang kanyang mga klase.
- Ngunit ilang araw bago nito, lingid sa aming kaalaman, natagpuan ng isang batang Saksi ang isang nawawalang kabayo at isinauli ito sa mga may-ari.
BASAHIN RIN: Opisyal Na Wikang Panturo – Ano Ang Opisyal Na Wikang Panturo?