Ano Nga Ba Ang Panaghoy? (Sagot)
ANO ANG PANAGHOY – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang kahulugan at halimbawa ng pag gamit ng salitang “Panaghoy” sa isang pangungusap.
Ang panaghoy ay naglalarawan sa dalos na pamimighati o sobrang pag-iyak dahil sa kalungkutan. Ito rin ay puwedeng tawagin na “paghihinagpis“. Heto ang halimbawa ng gamit nito sa mga pangungusap:
- Panaghoy na umiyak si Peter dahil siya’y iniwang sawi ni Eva.
- Ang Panaghoy ng aso ay narinig ng buong barangay kagabi.

Ang mga rason ng panaghoy ng isang tao ay iba’t-iba depende sa kanilang mga karanasan. Heto ang mga halimbawa ng ilan sa mga dahilan ng pag panaghoy:
- Iniwan ng mahal sa buhay
- Namatayan ng kamag-anak
- Ginawan ng masama ng taong akala mo’y iyong tunay na kaibigan
- Kapag ang isang hayop ay nasaktan dahil sa pang-aabuso ng tao
- Pag-iwan ng ina sa kanyang anak
Ang panaghoy ay mas malakas ang epekto kapag mas kaawa-awa ang pagsigaw kasabay ng pag-iyak ng isang tao dulot ng isang emosyonal na pangyayari. Kadalasan, hindi maunawaan ng ating pandinig kung ano ang sinasabi ng mga panaghoy ng isang tao.
Subalit, mas nauunawan ito ng ating mga puso at ating mga damdamin. Ito ay dahil ang mg tao ay may koneksyong emosyonal at spiritwal sa isa’t-isa na kung minsan ay mas malakas pa sa kahit anong pisikal na komunikasyon.
BASAHIN RIN: Prutas Nagsisimula Sa F: Halimbawa At Ng Mga Prutas Nagsisimula Sa F