MGA HALIMBAWA NG LIHAM PANGANGALAKAL
HALIMBAWA NG LIHAM PANGANGALAKAL? – Ito ay isang uri ng liham na ginagamit tuwing umuorder ng mga bagay n gagamitin, ititinda, humihingi ng tulong, nag-aaply para sa trabaho, o nagtatanong ukol sa negosyo.
Ang liham na ito ay may pormal na tono at sinusulat upang makapag-ugnayan sa isang opisyal ma tanggapan o opisina. Kadalasan, diretso ang pag sulat nito at tungkol lamang sa pangangalakal na gustong gawin. Ito rin ay ginagamit tuwing may inirereklamo ang isang tao sa produkton o serbisyong nabibili.
Heto ang mga halimbawa ng Liham Pangangalakal:
G. Jose Lariz
Punong Tagapangasiwa
CENECO
Silay City, Negros Occidental
Ginoo:
Ako po ay taga Brgy. V, Elena Subd. Biktima po ako ng bagyong Ramon na sumalanta sa ating bayan noong tatlong linggo.
Sumusulat po ako ngayon upang ipaalam at hilingin na puntahan ninyo ang amin lugar upang ma ayos ang kuryente sa aming barangay. Napakatagal na pong hindi na ayos ang ilaw sa amin at marami ng negosyo ang naapektuhan. Walang dumalaw samin mula sa inyong tanggapan para makita ang aming sitwasyon dulot ng malakas na bagyo.
Sana po ay mabigyan nyo ng pansin ang aming kahilingan at mabigyan ng mabilis na aksyon ang reklamo ng barangay.
Sumasainyo,
Peter, De la Cruz
Gng. Dianne Kristalin Biboros
LJF Publishing House
189 Sampaguita
St., Cadiz City
Mahal kong Gng. Biboros:
Ito po ay pagpapahayag ko ng interest na maging parte ng iyong kompanya bilang isang Administrative Assistant. Batid ko po na tinataglay ko po ang hinahanap ng iyong kompanya para sa nabanggit na posisyon.
Kasama po sa sulat na ito ang aking bio-data.
Umaasa po ako na bibigyan ninyo ng atensyon ang liham kong ito.
Nagpapasalamat,
Jasper Polyentes
G. Paolo Mansulungin
CPE PYKE Laboratories, Inc.
69 Marcos Rd.
ABC St., Manila,
Ginoong Mansulungin:
Nabasa ko po ang iyong patalastas sa inyong website na nangangailangan kayo ng utility personnel na magdadala ng inyong mga produkto sa mga suki ninyong grocery store. Nais ko pong mag aplay para sa nasabing posisyon.
Malaking tulong po sakin at sa pamilya ko kung tatanggapin ninyo ako sa trabahong ito. Anuman oras ay handa po akong magpakita sa inyo para sa isang interbyu.
Kasabay sa sulat kong ito ang aking biodata. Salamat po sa iyong konsiderasyon.
Lubos na gumagalang,
Hector Ramirez
BASAHIN RIN: Salitang Naglalarawan: 15+ Halimbawa At Kahulugan Nito