Ano Ang Kahulugan Ng Obligasyong Moral? (Sagot)
OBLIGASYONG MORAL KAHULUGAN – Lahat ng mga tao sa mundo ay may tinatawag na obligasyon, bukod rito, ang mga tao ay mayroong ring tinatawag na moral o moralidad.
Kapag pinagsama ito, makikita natin ang mga obligasyong nauukol sa mabuti, matuwid, at mapayapang pamumuhay. Ang obligasyon ay isang responsibilidad na dapat nating sundin. Samantala, ang moral naman ay ang pag-alam kung ano ang tama at ano ang mali.

Ang Obligasyon ng isang moral na tao ay makikita rin sa kanyang mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, pamilya, at pamayanan. Ito ay ang kabuuang responsibilidad ng isang tao na maging responsableng mamamayan, mabuting tao, at may pag galang hindi lamang sa kanyang buhay, kundi sa buhay rin ng iba.
Ang mga halimbawa ng obligasyong moral ay makikita sa pang araw-araw nating mga gawain. Isang madaling halimbawa ay kung makakita ka ng wallet sa daan. Maari mong kunin ang lamang pera ng wallet, o maari mo ring gampanan ang iyong obligasyong moral at hanapin ang may-ari at isauli ito.
Kahit sa mga simpleng bagay lamang tulad ng pagsisinungaling sa kapwa ay puwede na maging hadlang sa obligasyong moral. Ito ay dahil ang pagsalita ng katotohanan, lalo na kapag importante ang isang bagay ay isa sa mga pagsubok sa iyong moralidad. Subalit, mahalaga ring malaman ang intensiyon ng isang tao sa pag gawa ng kanilang kilos.
Sa salitang Ingles, ito ay tinatawag na “Context”. Sa lahat ng mga pangyayari sa buhay, ang mga kahulugan ng ating mga obligasyong moral ay nakabatay rin minsan sa konteksto ng mga pangyayari.
BASAHIN RIN: LINGUA FRANCA Kahulugan At Mga Halimbawa Nito