Ano Ang Mga Ideya Sa Akdang “Ang Ama?” (Sagot)
MGA IDEYA SA AKDANG ANG AMA – Ito ay isang maikling kwento na nanggaling sa Singapore na isinalin sa Tagalog ni Mauro R. Avena.
Ang akdang ito ay tungkol sa isang hindi responsableng ama na nagbago dahil sa isang di kanais-nais na pangyayari sa kanyang buhay. Dahil siya ay naging isang iresponsableng ama, namatay ang kanyang anak na si Moy Moy.
Pero, dahil sa masamang pangyayari na iyon, nag bago ang pananaw ng ama. Nagbagong buhay na rin ito dahil nalaman na niya ang kanyang pagkakamali.
Ang isang ideya na namakikita sa kwento ay ang tinatawag sa Ingles na “second chance”. Nakatatak sa kwento na kahit gaano ka pa ka sama, lahat ng tao ay puwedeng magbago kung gugustuhin lang nila.
Isa pang aral na makukuha mo sa kwento ay ang pananaw nang isang masakit na trahedya. Imbis na maging hadlang sa kanyang buhay, ginamit ng ama ang masakit na pangyayari para mag bagong buhay siya.
Bukod rito, makikita rin ang sakripisyo na ginagawa ng mga ama na kahit wala na siyang makain basta mabigay niya lamang sa pamilya niya ang mga pangagailangan nila.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
READ ALSO: May Nanay Ka Riddle – May Nanay Ka, May Apat Na Anak (Answer)