URI NG TULA – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Uri Nito? (SAGOT)
URI NG TULA – Sa paksanhg ito, ating kilalanin ang mga iba’t ibang uri ng tula at alamin ang kahulugan o depinisyon ng bawat isa.
Ang tula, o kilala sa panitikan bilang patula, ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo o rhythm.
Nakabilang dito ang ritmo at metro o meter, na kung saan ang ritmo ay nagpapakita ng pagkahaba at pagkaikli na mga pattern sa pamamagitan ng nagbibigay-diin at hindi nagbibigay-diin na mga pantig; habang ang metro naman ay isang set ng mga patakaran na namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig sa bawat linya.
Mga Uri
Narito ang mga iba’t ibang uri nito, ayon sa Panitikan:
- Tulang Damdamin o Tulang Liriko
- Ang uri nito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Ang damdamin o emosyon ng makata laman ang naging konsiderasyon sa pagsulat ng uri nito. Kabilang na dito ang mga sumusunod na akda:
- Awit – ito naman tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.
- Soneto – isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Tumatalakay ito sa kaisipan, diwa ng makata.
- Oda – isang tula na nakatuon sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento.
- Elehiya – isang tulang malungkot at pagdadalamhating babasahin.Ang karaniwang tema nito ay kamatayan o pagluluksa.
- Dalit – ito naman ay tumutukoy sa tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat.
- Ang uri nito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Ang damdamin o emosyon ng makata laman ang naging konsiderasyon sa pagsulat ng uri nito. Kabilang na dito ang mga sumusunod na akda:
- Tulang Pasalaysay
- ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan. Kabilang dito ang sumusunod:
- Epiko – ito ay isang akdang patula na isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ito ay kadalasang inaawit pero meron namang mga epikong binabasa.
- Awit/Korido at Kantahin – ito naman ay tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.
- ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan. Kabilang dito ang sumusunod:
- Tulang Patnigan
- isng uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Kabilang dito ang sumusunod:
- Balagtasan – tumutukoy ito sa pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa.
- Karagatan – Isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang tanghalan.
- Duplo – Paligsahan namabn ito sa pangangatwiran sa anyong patula. Ito ay hango sa Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.
- Fliptop o Battle Rap – modernong uri ng Balagtasan na kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig tungkol sa isang paksa.
- isng uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Kabilang dito ang sumusunod:
- Tulang Pantanghalan o Padula
- Tumutukoy sa mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro.
BASAHIN DIN: Grade 6 English Workbook – DepEd Free Download PDF