Ano Ang Mga Bahagi Ng Pananaliksik? (Sagot)
BAHAGI NG PANANALIKSIK – Ito ang mga nagbibigay linaw sa mga prosesong dpat gawin sa iyong mga pananaliksik.
Ang isang pananaliksik ay may apat na kabanata. Sa paksang ito, tatalakayin natin ang bawat isa.

KABANATA I (Suliranin at Kaligiran)
- Rasyunal
- Dito malalaman ang sagot sa tanong na Ano at Bakit. Ano ba ang paksang inaaralan at Bakit ito pinag-aaralan.
- Paglalahad ng suliranin
- Dito nakalagay ang sanhi o layunin ng paksang inaaralan sa anyong patanong
- Iaanyo itongnangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3 o higitpang mga tiyak na layunin.
- Kahalagahan ng Talakay
- Dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili naginagamit sa pananaliksik.
- Batayang Konseptwal
- Dito nakalagay ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral.
- Saklaw at Limitasyong ng Pag-aaral
- Dito naka saad ang lawak at limitasyong ng pinag-aaralan.
KABANATA II (Metodo Ng Pananaliksik)
- DISENYO NG PANANALIKSIK
- Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit nadisenyo ng pananaliksik
- RESPONDENTE
- Dito inalalahad ang eksaktongbilang ng mga sumagot sa inihandang kwesyoner- sarvey.
- INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
- Dito nakikita ang mga ginamit na instrumento sa pag survey sa mga respondente katuald ng “questionnaire”.
- TRITMENT NG MGA DATOS
- Nakalagay dito ang simpleng statistik na mga na kuhang datos galing sa respondente
KABANATA III (Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos)
- Pagsusuri
- Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag o pagpapaliwanang ng kinalanasan ng pinag-aaralan.
- Interpretasyon
- Sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag dito ang pansariling implikasyon at resulta ng pananaliksik.
- Paliwanag/pagsusuri
- Dito naka lagay ang paliwanag batay sa interpretasyon ng datos na nakuha sa pananaliksik.
KABANATA IV (Paglalahad Ng Resulta Ng Pananaliksik)
Dito inilalahad nang isa-isa at malinaw ang mga nagingkasagutan sa bawat suliranin o tanong o layunin na iyong binigay sa simula ng pananaliksik.
BASAHIN RIN: Paglalahad Ng Suliranin: Kahulugan Ng Paglalahad Ng Suliranin