Elemento Ng Dula – Mga Mahalagang Parte Ng Dula

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Mga Elemento Ng Dula”

DULA – Sa paksang ito, aalamin natin kung ano ang mga mahalagang elemento ng isang dula.

Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ito rin ay maaaring tawagin na “Stage Play” sa Ingles.

Ang isang dula ay may pitong mahalagang elemento. Ito ay:

Elemento Ng Dula - Mga Mahalagang Parte Ng Dula
  • Aktor
  • Dayalogo
  • Direktor
  • Iskrip
  • Manonood
  • Tanghalan
  • Tema

Ang mga aktor ay siyang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip na isinulat ng mga “Screen writer”. Nasa loob ng isang iskrip ang mga dayalogo na sinasabi ng mga tauhan.

Ang direktor naman ang siyang nagpapakahulugan sa iskrip at nag sasabi kung ano ang lagay ng stage, pwesto ng mga tauhan at iba pang bagay2 sa entablado o tanghalan.

Ang mga manonood naman ay ang mga taong nagbibigay halaga sa dula. Kung wala ang mga manonood, walang makaka kita ng dula na pinaghirapan ng lahat ng tao sa likod nito.

Samantala, ang Tema naman ang pinakapaksa ng isang dula. Ito ang nagbibigay ng diin sa mga manonood sa kung ano ang ipinapahiwatig ng dula, ang emosyon ng mga tauhan, pagkasunod-sunod ng pangyayari at iba pa.

BASAHIN RINKabanata 18 Noli Me Tangere – “Mga Kaluluwang Naghihirap” (BUOD)

Leave a Comment