Ano Ang Paraluman? Ang Ibig Sabihin Ng Temang Ito
PARALUMAN – Sa paksang ito, ating alamin at tutuklasin ang ibig sabihin ng temang Tagalog na paraluman at ang paggamit nito.
Ang ibig sabihin ng temang ito ay isang napakagandang babae na ang kagandahan niya ay katulad ng diyosa.
Ito ay magkasingkahulugan sa musa, na king saan ang saling Ingles ng dalawang temang ito ay “muse”.
Sa sentidong ang ibig sabihin nito ay musa, tumutukoy ito sa babaeng inspirasyon mo sa sining. Ito ang isa sa mga paboritong salita ng mga Pilipinong makata sa ika-19 na siglo.
Ang temang ito ay isang lumang saling Tagalog ng “magnetic needle” na isang bagay na gumagabay sa iyong daan na parang isang kompas.
Magkasingkahulugan rin ito sa sumusunod, ayon sa TagalogLang:
- mutya
- dalaga
- diwata
- babaing pinipintuho
- musa
- lakambini
- sinaunang kasangkapan ng mga magdaragat upang matukoy ang direksiyon
Makikita rin ang salitang paraluman sa medya at sining, Halimbawa, ayon rin sa website, ito ang screen name ng Pinay na aktres na si DescriptionSigrid Sophia Agatha de Torres von Giese.
Sa kantang “Ang Huling El Bimbo” ng bandang Eraserheads ito ay makikita sa unang linya ng kanta:
Kamukha mo si Paraluman
Nu’ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha
BASAHIN DIN: Huseng Sisiw – Who Is This Famous Filipino Writer?