Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Konklusyon”
ANO ANG KONKLUSYON? – Sa paksang ito, aalamin natin ang kahulugan at halimbawa ng isang konklusyon.
Ang isang konklusyon sa pananaliksik ay maihahambing din sa konklusyon ng isang essay. Ito ay nagsasalarawan sa buod ng mga argumentong inilahad sa isinulat.
Dito rin makikita ang mga mahahalagang puntos na tinalakay sa akda. Ang isang konklusyon ay ginagawa upang mas mapaintindi sa bumabasa ang mga puntos na nasabi na.
Ang konklusyon nasa huli. Ito ang huling seksyon sa isang pananaliksik. Ang pag gawa nito ay halos parehas lang din sa pagsulat ng panimula o introduksyon.
Ito ay dahil kailangang ilahad dito ang mga mahahalagang sinasabi ng iyong papel.
Dapat matandaan ng mga mambabasa ang iyong sinulat, kaya mahalaga ang unang mga talata at ang mga huling talata nito, kung saan nakapaloob ang konlusyon. Piliing mabuti ang mga salitang gagamitin sa konklusyon.
Ang isang layunin ng isang konklusyon ay pagtibayin ang mga dahilan bakit mo isinulat ang iyong papel. Dahil dito, hindi ka na dapat maglagay pa ng bagong impormasyon o bagong argumento sa iyong konklusyon. Ang mga importanteng datos ay dapat nakapaloob na sa katawan ng iyong papel.
Mahalaga ang konklusyon dahil dito mo maipapakita sa mga mambabasa kung bakit mahalaga ang iyong sinulat.
BASAHIN RIN: Matiwasay Na Lipunan: Kahulugan At Halimbawa Nito