Matiwasay Na Lipunan: Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Matiwasay Na lipunan? (Sagot)

MATIWASAY NA LIPUNAN – Sa artikulong ito, kilalanin natin kung ano ang mga halimbawa at kahulugan ng isang matiwasay na lipunan.

Matiwasay Na Lipunan: Kahulugan At Halimbawa Nito

Ito ay naglalarawan sa isang masaganang lugar o pamayanan kung saan mababa nag krimen at tahimik ang lugar. Bukod rito, ang kapaligiran ay malinis rin at ang pamahalaan ay matatag.

Ito rin ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at pagtingin sa estado ng mga mayaman at mga mahihirap at maging ang pagkakaroon ng mababang antas ng kahirapan o “low poverty rate”.

At higit sa lahat ang pagkakaroon ng masaganang ugnayan at pamamalakad ng mga sektor nito sa ibat-ibang larangan at programa na nagpapabuti sa:

  • edukasyon
  • seguridad
  • transportasyon
  • komersyo at marami pang iba.

Halimbawa:

  1. Kabutihan para sa bawat indibidwal na kasapi ng lipunan ang laging iniisip ng bawat isa sa lipunan.  
  2. Ang tunguhin ng mga grupo, organisasyon at ahensya ng gobyerno ay hindi ang kabutihan para lamang sa isa o iilang komunidad kundi ang kabutihan ng buong lipunan.
  3. Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nananaig kundi ang panlipunan at sibil na pagkakapatiran na palaging nangangailangan ng katarungan.
  4. Ang paggalang sa indibidwal na tao ay hindi nawawala sa sistema ng bawat isa sa lipunan.
  5. Alam ng lahat na hadlang sa pagkamit ng isang matiwasay na lipunan ang pakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat.

Sagot galing kay gobernie26.

Basahin Rin: Paghahayupan – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

1 thought on “Matiwasay Na Lipunan: Kahulugan At Halimbawa Nito”

Leave a Comment