Paghahayupan – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Ano Ang Kahulugan Ng Salitang “Paghahayupan?” (Sagot)

PAGHAHAYUPAN – Sa paksang ito, matututunan natin ang kahulugan at mga halimbawa ng Paghahayupan.

Paghahayupan - Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Sa Ingles, ito ay tinatawag na “Husbandry”. Ito ay ang pag-aalaga ng mga hayop para sa kanilang karne at iba pang produkto katulad ng gatas, itlog, at iba pa.

Karaniwan, ang mga ito ay binebenta bilang “raw material” para ito ay ma proseso at ma benta ulit sa merkado publiko.

Ang husbandry ay isang sangay ng agrikultura. Ang pag aalaga ng hayop para sa pagkain at iba pang layunin (maliban sa pagiging pet) ay matagal ng nagsimula.

Ang mga sinaunang sibilisasyon gaya ng Egypt ay nag-alaga na ng mga baka, tupa, kambing at maging baboy.

Samantala, ang karaniwang problema sa pagaalaga ng hayop, lalo na sa Pilipinas ay ang pagkakasakit ng mga alagang hayop. Dahil sa walang maayos na sistema, madaling kumalat ang mga sakit.

Nito lamang ay may isyu tungkol sa African Swine Flu at maraming baboy ang kinailangang katayin dahil sa sakit.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Basahrin rin: Halimbawa Ng Kolokyal: Kahulugan At Mga Halimbawa

Leave a Comment