Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Sambahayan?”
SAMBAHAYAN – Ito ay isang sektor sa ekonomiya na kinabibilangan ng mga pamilya o ng mga tao na kumikita ng pera.
Bukod dito, may dalawang pangunahing sektor sa isang simpleng ekonomiya.
- Sambahayan
- Nagbibigay ng lupa at manggagawa sa mga bahay-kalakal
- Bahay-Kalakal
- Gumagawa ng produkto at serbisyo.
Ang Sambahayan ay siya ring bumibili ng mga produkto at serbisyo na lumalabas galing sa Bahay-Kalakal. Dahil dito, maari nating sabihin na sila ang nagbibigay ng kita sa bahay-kalakal.
Ang mga produktong maaring makita sa Bahay-kalakal ay “edukasyon, kalusugan, at iba pa”. Samantala, ang koneksyong ng dalawang sektor ng ekonomiya ay makikita sa paikot na daloy ng pera.
- Gumagawa ng mga produkto at serbisyo ang bahay kalakal gamit ang mga likas na yaman at mga trabahador.
- Binebenta ng bahay kalakal ang mga produkto at serbisyo sa mga nasa sambahayan.
- Bumibili ng produkto ang mga nasa sambahayanan sa anyo ng pera.
- Kumikita ang mga bahay kalakal mula sa pera ng sambahayan.
- Binabayaran ng bahay kalakal ang mga manggagawa sa anyo ng sahod ng manggagawa at upa sa lupa.
- Ginagamit ng mga manggagawa ang sahod para bumili ng mga produkto.
- Ginagamit ng mga manggagawa ang nabili nilang produkto at serbisyo para sa ikauunlad nila.
- Ginagamit ng bahay-kalakal ang natirang pera para sa ikauunlad nila tulad ng pagkuha ng mga dagdag na trabahador.
Sagot mula kay Rylai04
BASAHIN RIN: Kilos Loob: Ang Kahulugan Nito At Mga Halimbawa