Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Pagpapahalaga At Birtud”
PAGPAPAHALAGA – Ito ay ang matibay na bumibigay ng importansya sa bubhay ng isang tao.
Kadalasan, ito ay nagdidikta at ginagamit na basihan sa paggawa ng desisyon. Ito rin ay may limang uri ng pagpapahalaga:
- Buhay
- Pamilya
- Edukasyon
- Oras
- Kapangyarihan
Mayroon ring tinatawag na Ganap Na Pagpapahalaga (Absolute Moral Values). Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
Ang mga sumusunod ay nakapaloob dito:
- Pag-ibig
- Paggalang sa dignidad ng tao
- Pagmamahal sa katotohanan
- Katarungan
- Kapayapaan
- Paggalang sa anumang pag-aari
Ang Birtud naman ay tinatawag sa Ingles na “Virtue”. Ang salitang Birtud ay galing sa salitang virtus (vir) o ang pagiging malakas at matatag.
Mayroon tayong magkapareho na kilos-loob ngunit iba-iba ang taglay na virtue o Birtud. Ang Virtue ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao at may dalawang uri:
- Intelektuwal na Birtud
- Ang intelektuwal na birtud ay may kinalaman sa isip ng tao, “gawing kaalaman (habit of knowledge)”.
- Moral na Birtud
- Ang moral n abirtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.