Sino Ang Mga Pilato Na Pilato Sa Kabanata 9 Ng El Filibusterismo?
SINO ANG MGA PILATO SA KABANATA 9 – Sa paksang ito, ating alamin kung sino ang mga tinutukoy na mga Pilato sa ika-siyam na kabanata.
Ang Kabanata 9 ng El Filibusterismo ay may pamagat na “Ang mga Pilato” o sa Ingles ay “Pilates”.
Ito ay isinulat para maipakita ni Rizal ang kasakiman at pagiging tuso ng mga prayle na namamayani sa bansa.
Maari mong basahin ang buod nito dito.
Sino ang tinutukoy na mga Pilato?
- Padre Clemente
- Ayon sa kabanatang ito, mabilis na naghugas ng kamay ang prayle sa narinig na balita. Sinisisi pa rin niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng samahan.
- Hermana Penchang
- Sinabi niya kay Juli na alipin niya na magdasal sa wikang Kastila dahil ito raw ang sanhi ng pagkapipi at paghihirap ng kanyang ama. Sinamantala niya ang kamaangan at kawalang-kaya ni Juli
- Tenyente
- Ginamit niya ang pagkakataon na dukutin si Kabesang Tales at gumawa ng paglusob ng lupain/
Bakit sila tinatawag na Pilato?
Ang Pilato ay hango sa kay Poncio Pilato (Pontius Pilate) sa kasaysayan at ng Bibliya na naghugas ng kamay sa harap ng madla para ipakita nila na wala siyang kinalaman sa pagpako kay Hesukristo.
Gaya niya, ang mga taong ito ay naghugas ng kamay nila para maiwasan ang bintang sa nangyari sa pamilya ni Kabesang Tales. Nagpakunwari silang walang kasalanan pero sa totoo lang, meron.
BASAHIN DIN: Torete Meaning: What Does Torete Actually Mean?