Ano Ang Sanhi At Bunga? Depinisyon At Halimbawa
SANHI AT BUNGA – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang depinisyon ng sanhi at bunga at ang mga halimbawa nito.
Depinisyon
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadalinanan ng pangyayari.
Ang dalawang ito ay laging iniuugnay ng dalawa ng sumusunod na hudyat:
- dahil
- kung kaya
- kasi
- sapagkat
- kung
- kapag
Halimbawa
- Kapag nauuna ang sanhi
- Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay (sanhi) kaya hindi nakatulog na maayos si Aling Ester (bunga).
- Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang cellphone (sanhi) kaya nasira ito agad (bunga).
- Dahil nag aral siyang mabuti (sanhi) kaya mataas ang nakuha niya sa pagsusulit (bunga).
- Dahil sa pagtatapon ng basura kung saan-saan (sanhi) kaya naman nalalason na ang ating kapaligiran (bunga).
- Labis na pagputol ng mga puno (sanhi) kaya wala ng sumisipsip sa mga tubig ulan kaya nagkakaroon nng labis na pagbaha (bunga).
- Kapag nauuna ang bunga
- Nalalason ang mga isda sa dagat, at nagkakaroon ng mga baha (bunga) dahil sa walang displinang pagtatapon ng basura kung saan saan (sanhi).
- Nagkamit siya ng ibat-ibang karangalan sa kanyang paaralan (bunga) dahil nag aaral siyang mabuti (sanhi).
- Lumubog sa baha ang bayan ng Navotas (bunga) dahil sa kakulangan ng pagpaplano ng mga nasa katungkulan (sanhi).
- Di makakain sa labis na kalungkutan at pagdaram ang isang lalaki (bunga) dahil iniwan siya ng kanyang asawa (sanhi).
BASAHIN DIN: Examples Of Allegory – Examples Of A Story Within a Story
Very good
Nakamit ni Hidilyn Diaz Ang GOLD MEDALS (bunga) Dahil sa kanyang Determinasyon, at pagsikapan.
maganda aq haha oo opo
posibleng sanhi pangungusap
unsa nang bunga na gi pili np