Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Droga
SANAYSAY TUNGKOL SA DROGA – Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan kung saan ito ay hindi mauubusan ng gamit. Pwede itong maging pormal, personal, analitikal o siyentipiko.
Sa paksang ito, titignan natin ang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa Droga.
Karapatan Ng Tao
Isa sa mga karapatan ng tao ay ang magsaya at libangin ang sarili. Lahat tayo ay dapat ding humanap ng oras para naman mapawi ang mga panahong pagod tayo sa pagtatrabaho o eskwela.
Gayunman, may ilan na sa maling landas nahanap ang kasiyahan at paraan ng pagtakas sa mga suliranin ng buhay.
Ang iba ay nagkaroon ng masamang bisyo tulad ng ipingbabawal na gamot. Imbes na mapabuti, naging dahilan pa ito ng pagkalugmok ng marami.
Unti-unti ay naging suliranin na ng lipunan ang iligal na droga. Nagbunga na ito ng kaliwa’t kanang kriminalidad tulad ng pagnanakaw, panloloko ng kapuwa, at maging pagpaslang ng mga inosenteng buhay.
Dahil tila wala na sa katinuan ang mga nalulong sa bisyong ito, wala nang sinisino ang mga ito at maging mga mahal sa buhay ay ginagawan na ng kasamaan.
Maraming pamilya na ang nasira ng ipinagbabawal na gamot. Maraming mga magulang ang nakalimutan na ang responsibilidad sa kanilang mga anak. Mayroon namang mga anak na kahit nasa wastong gulang na ay pasanin pa rin ng mga magulang dahil sa bisyo.
Mainit din sa mata ng batas ang mga lulong sa droga. Mayroong ‘giyera’ ang pamahalaan sa mga ito at talamak ang pagkakapaslang ng mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga.
Lason ng lipunan ang ipinagbabawal na gamot. Maraming paraan upang libangin ang sarili. Iwasan ang mga bisyo at ituon ang oras sa mga mas makabuluhang bagay.
Isa pang halimbawa galing kay JeniJoyce
Marami ang nagsasabi na ito ay gamot na nakapagpapagaling ng ilang karamdaman. Pero sa dami rin ng mga sinasabi tungkol sa mali at masamang epekto nito sa pag-iisip, natatakot ang ilan na subukang tikman ito. Kung iisipin, totoo namang gamot na pampalakas ang droga. Pero nais pa ba nating subukang gamitin ito kahit na may tendensya tayong maadik dito? Hindi kaya ay humantong lang ito sa sobrang paggamit anupat makasakit na tayo ng iba?
Ang mga taong naadik sa paggamit nito ay lumilikha ng gulo sa lipunan. Madalas na sila na lamang ang laman ng mga balita tungkol sa matindi at brutal na pananakit/ pagpatay sa mga babae, batang babae, lalaki, batang lalaki at pamilya pa nga. Nagiging makasarili dahil sa kanilang kagustuhan na masapatan ang kanilang adiksyon, nagagawa nilang magbenta ng mga bagay-bagay ng hindi pinag-iisipan ito. Isa pa, nagagawa din nilang magnakaw, manggahasa at pumatay.
Nakalulungkot, sa kabila ng pagsugpo ng batas sa mga taong gumagamit ng droga patuloy parin silang dumadami. At karaniwang nabibiktima sa paggamit ng pinagbabawal na gamot na ito ay ang ating mga mahal na kabataan. Kaya ang sanaysay na ito, ay makatulong sana sa mga tao na maintindihan ang masamang epekto nito. Huwag hayaang sirain ng droga ang buhay mo!
Like this article? READ ALSO: Sanaysay Tungkol Sa Edukasyon: Halimbawa Ng Sanaysay