Sino Si Plato? Tungkol Sa Isang Griyegong Pilosopo

Sino Si Plato? Tungkol Sa Isang Griyegong Pilosopo

SINO SI PLATO – SA paksang ito , ating alamin ang sagot sa katanungang kung sino si Plato na isang Griyegong pilosopo.

SINO SI PLATO
Image from: Kalampedia

Gaya ng sinabi sa itaas, siya ay isang Griyego na pilosopo, matematiko, manunulat, at tagapagtatag ng akademya sa Athens na tinatawag na Akademyang Platoniko.

Siya ay kilala rin bilang Platon at ang estudyante ng isa pang Griyegong pilosopo na si Socrates.

Si Plato ay ipinanganak sa isang maharlika at isang may mataas na pinag-aralan na pamilya sa siyudad.

Ang malakling mga impluensiya niya sa pilosopiya ay ang kanyang guro na si Socrates at si Pythagoras.

Mga Kontribusyon

  • Inimulat niya ang tao sa pagsasabing ang mga ideya ng mga bagay ay nasa isip na natin noong tayo ay ipinanganak.
    • Ayon sa kanya ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pang mga anino lamang ng katotohanan.
  • Binuksan niya ang pinto sa pagtahak sa muindo ng rasyunalismo, na isang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.
    • Ang anino na tinutukoy niya ay hindi ibig sabihin na hindi totoo ang ating mga nakikita kundi may katotohanang mas makapagpapalaya sa atin na hindi makikita sa hugis.
  • Siya ang nagpakilala ng dalawang uri ng sanaysay: pormal at di-pormal
    • Nagbigay si Plato ng halimbawa ng di-pormal na sanaysay tungkol sa mga katiwalian o korupsyong nagaganap sa Gresya noon.

BASAHIN DIN: ELEMENTO NG KULTURA – Mga Elemento At Kahulugan

Leave a Comment