Saan Matatagpuan Ang Mount Everest? Sagot Sa Katanungang Ito
SAAN MATATAGPUAN ANG MOUNT EVEREST – Sa paksang ito, ating aalamin at tuklasin ang lokasyon ng bundok na tinatawag na Mount Everest.

Kilala rin bilang Sagarmatha (सगरमाथा) sa Nepali, Chomolungma ( ཇོ་མོ་གླང་མ ) sa Tibetan, o Zhumulangma Feng ( 珠穆朗玛峰 ), ito ang isa sa pinakamataas na bundok sa buong daigdaig.
Ito ay ang bundok na may pinakamataas na altitud na umaabot hanggang 8,850 metro o 29,035 ft.
Ang ibang karibal ng bundok nito ay ang Mauna Kea ng Hawaii (Pinakamataas na bundok | Tallest Mountain) at Chimborazo ng Ecuador (Ang Pinakamataas mula sa sentro ng Daigdig | The Highest Above The Earth’s Center).
Ito ay binigyan ng opisyal na pangalang Ingles ng Royal Geographical Society. Ang pangalan na ito ay mula sa isang Ingles na agrimensor at heograpo na si Sir George Everest.
Lokasyon
Ito ay nasa bulubundukin ng Mahalangur Himal ng Himalayas na nasa pagitan ng Nepal At Tsina.
Sa Nepal, ang bundok na ito ay nasa Distrito ng Solukhumbu sa Province No. 1. Sa Tsina naman, ito ay nasa Tingri Counry, Shigatse (Xigazê) na nasa Rehiyong Autonomiya ng Tibet.
Ang coordinates niya ay 27°59′17″N 86°55′31″E.
BASAHIN DIN: Alamat Ng Isla Ng Pitong Makasalanan – Buod Ng Alamat Na Ito
Hindi ko nakita ang Location na hinahanap ko like timog asya git lnang asya hilagang asya katulad.nito kailangan ko lng for my module