Ano Ang Alokasyon? Kahulugan At Ang Sistemang Pang-Ekonomiya

Ano Ang Alokasyon? Kahulugan At Mga Sistemang Pang-Ekonomiya

ANO ANG ALOKASYON – Sa paksang ito, ating alamin kung ano ang alokasyon at ang mga sistemang pang ekonomiya.

ANO ANG ALOKASYON

Kahulugan

Ito ay tumutukoy sa pag-lalaan ng takdang dami ng pinagkukunang yaman na ayon sa pangangaiilangan at kagustuhan ng tao.

Isinasagawa ito para hindi maabot sa oras ng pagka-ubos ng mga limitadong yamang pinagkukuunan. Ito rin ay kinakailangang may malinaw na layunin ng paggamit sa mga yamang pinagkukunan.

Alokasyon sa Sentralisado at Desentralisado

  • Sentralisado
    • Ito ay binubuo at itinakda ng ilang tao, grupo ng tao o institusyon. Sila ay dumidikta ng mga pangangailangan at kagusuhan na sinisikip nilang matugunan
  • Desentralisado
    • Sa dito ipinahintulot ang iba’t ibang kasapi ng ekonomiya na makagawa ng impormasyon at mag-takda ng kung anu-anong pangangailangan na nais nilang matugunan.

Ito ay may dalawang magkaibang paraan kung paano at sino ang magbibigay halaga sa pinagkukunang yaman. Narito ang mga paraang ito:

  • Pinag-uutos (Command)
    • Dito itinatakda ng patakaran ng pamahalaan
  • Pakikipagpalitan (Exchange)
    • Sa dito naman itinatakda ng plano ng bawat kasapi

Sistemang Pang-Ekonomiya

Ito ay isang paraan ng pagsasa-ayos ng iba’t ibang yunit pang-ekoniomiya para matugunan sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan.

Ito ay kailangang tugunin ang bawat lipunan sa tatlong katanungan:

  • Anu-anong kalakal at serbisyo ang dapat likhain at gaano karami nito?
  • Paano lilikhain ang mga kalakal at serbisyong ito?
  • Para kanino ang mga malikhaing kalakal at serbisyong ito?

Uri Ng Ekonomiya

  • Tradisyonal
    • Pinakaunang- anyo ng sistema. Ito’y nakabatay sa tradisyon, kultuura at paniniwala
  • Market
    • Ang prduksyon at distribusyon ng mga produkto at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sistemang malayang pagtatakda ng halaga
  • Command
    • Sa dito, ang pangunahing nagmamay-ari ng karamihan sa pinagkukunang yaman ay ang pamahalaan
  • Mixed
    • Dito ipinaghalo ang market at command na ekonomiya.

BASAHIN DIN: Nutrition Month Slogan Tagalog: Examples Of Nutrition Month Slogans

Leave a Comment