HALIMBAWA NG PASALAYSAY – Halimbawa Ng Uri Ng Pangungusap

HALIMBAWA NG PASALAYSAY – Halimbawa Ng Isa Sa Mga Uri Ng Pangungusap

HALIMBAWA NG PASALAYSAY – Sa paksang ito, ating alamin at basahin ang halimbawa ng pasalaysay na pangungusap.

Halimbawa Ng Pasalaysay

Ang pangungusap ay isang grupo ng mga salita na may buong diwa. Binubuo ito ng simuno at panguri at gumagamit rin to ng iba’t ibang bantas gaya ng tuldok, kuwit, tandang pananong at marami pang iba.

Ang pangungusap ay may apat na uri: pasalaysay, patanong, padamdam, at pautos o pakiusap. Alamin muna natin ang pangungusap na pasalaysay.

Ang pasalaysay ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Ito ay laging nagtatapos sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa

  • Malapit na ang araw ng pagtatapos.
  • Masaya kaming pumunta sa isang mall.
  • Pumapasok ang mga kabataan sa eskwelahan para mag-aral.
  • Ang reyna ng Gran Britanya ay si Queen Elizabeth II.
  • Ang unang pangulo ng Pilipinas ay si Emilio Aguinaldo.
  • May makikita kang maganda sa bunkon na iyon.
  • Ako ay may lobo na lumipad sa langit.
  • Hindi ko na nakita ang lobo ko sapagkat pumutok na pala.
  • Kahit munti lamang ang bahay kubo, sari-sari ang halaman doon.
  • Higit pa raw sa amoy ng mabahong isda ang mga taong hindi minamahal ang sariling wika.
  • Kaibigan ko ang sikat na atletang iyon.

BASAHIN DIN: Alugbati In English: Tagalog-English Translation Of “Alugbati”

1 thought on “HALIMBAWA NG PASALAYSAY – Halimbawa Ng Uri Ng Pangungusap”

Leave a Comment