Mga Halimbawa Ng Nobela Ng Pinoy
HALIMBAWA NG NOBELA – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang tinatawag na nobela.
Ang nobela o kathambuhay ay isang kwentong mahaba na piksyon (imbento lamang) na may iba’t ibang kabanata.
Heto ang mga halimbawa ng mga nobelang Pilipino.
Canal de la Reina | Liwayway A. Arceo.
Ito ay binubuo ng 30 na kabanata. Bukod dito, ipinapakita nito ang mga istoryang nasasaksihan at nararasan rin natin sa tootong buhay ngayon.
Sumusunod ito sa istorya ng isang pamilyang may kaya na naninirahan sa may Canal de la Reina. Ngunit, mayroong isang malaking baha at nagdulot ito nag pagbabago sa bulok na sistema ng lipunan sa Canal de la Reina.
Mga Ibong Mandaragit | Amado V. Hernandez
Ang nobelang ito ay nagsasalaysay ng pagbabago at pagaangat ng kalayaan sa isang lipunan.
Si Alejandro Paminutan ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Ngunit, nung sumama siya sa kilusan, ginamit niya ang pangalang “Mando Andoy Plaridel”.
Lalaki Sa Dilim | Benjamin M. Pascual
Ang pangunahing tauhan sa nobelang ito ay si Rafael. Isa siyang mayaman at edukadong ophtalmologist, tomador, pero siya rin ay isang babaero.
Si Ligaya naman ay isang bulag, di-nakapag-aral, at bikitima ng gahasa. Siya rin ang nagbigay liwanag sa madilim na katauhan ni Rafael.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: KATANGIAN NG EPIKO – Mga Katangian Ng Akdang Patula
Mga Hindi halimbawa ng Nobela