AWITING PANUDYO HALIMBAWA – Halimbawa ng Tulang Panudyo

AWITING PANUDYO HALIMBAWA – Halimbawa ng Tulang Panudyo

AWITING PANUDYO HALIMBAWA – Sa paksang ito, alamin natin ang mga iba pang mga halimbawa ng awiting panudyo.

AWITING PANUDYO HALIMBAWA

Ang awiting panudyo o tulang pasnudyo ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay mga sukat (measure) at tugma (rima). Layunin nitong uyamin o manudyo.

Ito rin ay nagpapahayag na ang mga ninuno natin ay may makulay na buhay nang bata pa sila.

Mga Halimbawa

1. Chit Chirit Chit

Chitchiritchit alibangbang
Salaginto Salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Nino sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.

Mama, Mama, namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynnila
Ipagpalit ng manika.

Ale, Ale, namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

2.
Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka

3.
Mga dumi sa ulo
Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis
Ikakasal sa Lunes

4.
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan .
Nang ayaw maligo ,
Kinuskos ng gugo Pedro panduko ,
Matakaw sa tuyo

5.
Bakya mo, Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;
Sa alaala’y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.
Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?
Sa wari ko ba’y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.
Ang aking pag-asa’y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang ‘yan ang munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang,
Ang aliw ko kailan man

BASAHIN DIN: Tagalog Poem About Love: Examples Of Tagalog Poems About Love

Leave a Comment