Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Epiko?”
ANO ANG EPIKO – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang mga epiko at ang mahalimbawa nito na makikita sa Pilipinas.
Ang epiko ay isang tulang nag kukwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. Bukod dito, ang ang pangunahing tauhan ay mayroong mga katangian na higit pa sa ordinaryong tao.
Kadalasan, ang mga pangunahing tauhan sa mga epiko ay galing sa angkan ng mga diyos o diyosa.
Ang paksa ng mga epiko ay nag sasalaysay tungkol sa mga paglalakbay ng ating bayini sa kuwento at ang pakikidigma.
Sa Pilipinas, ma babasa natin ang ibat-ibang halimbawa ng mga epiko katulad lamang ng:
- Biag ni Lam-ang
- Hudhud at Alim
- Ullalim
- Ibalon
- Maragtas
- Hinilawod
- Agyo
- Darangan
- Tulalang
Sa ibang bansa, ang mga pinakatanyag na mga epiko ayon sa Tagalog Lang ay ang mga sumusunod:
- Illiad at Odyssey (Greece)
- Ramayana (India)
- Beowolf (England)
- Epiko ni Haring Gesar (Tibet)
Mayroon ding tinatawag na “macro-epic”. Ito ay mahahabang mga epiko na kinakailangan ng higit isang daang araw para ikuwento. Pero, sa loob nito, mayroong micro-epic, na kung saan pwedeng ihiwalay at gawing indibidwal na kuwento.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Tanka At Haiku: Mga Halimbawa At Kahulugan Nito