Buod Ng Cupid At Psyche – Ang Pinakamaganda At Ang Anak Ni Venus

Buod Ng Cupid At Psyche – Ang Pinakamaganda At Ang Anak Ni Venus

BUOD NG CUPID AT PSYCHE – Sa paksang ito, ating alamin ang isang mitong Griyego ukol sa kwentong pag-ibig ni Cupid at Psyche.

BUOD NG CUPID AT PSYCHE
Photo uplifted from: Greek Myths and Greek Mythology

Ang kwentong ito ay nasasabing galing sa kwentong Metamorphoses na isinulat noong ikalawang siglo ni Lucius Apuleius Madaurensis.

Narito ang buod nito:

Ito ay nagsimula sa kay Psyche na pinakabunso at pinakamagandang babae sa kanilang tatlong magkakapatid. Itinutulad ang ganda niya sa mga diyosa sa punto na ang mga nabighani sa ganda niya’y sinasamba siya at hindi kay Venus na diyosa ng pag-ibig sa dahilan nila na reinkarnasyon ni Venus si Psyche.

Dahil dito, isinugo ni Venus ang anak niyang si Cupid para panain siya para magmahal sa isang napakapangit na nilalang. Subalit, dahil nabighani rin si Cupid sa ganda ni Psyche, itinurok niya ang kanyang daliri sa kanyang pana para iibigin ang dalaga.

Ang ama ni Psyche ay nagkonsulta sa orakulo ni Apollo pero sabi ng orakulo ay iiwanan si Psyche sa bangin para kunin siya ng isang nilalang na parang dragon.

Nang maiwan na si Psyche, idinala siya ni Zephyr, ang dios ng hangin, para dalhin siya sa kanyang itinadhana. Pinayagan niya ang kanyang sarili na anyayahin siya sa kwarto na di niya alam kun sino ang kanyang asawa.

Dahil nagtaka siya kun ano ang anyo ng kanyang asawa, nagdala siya ng isang sundang at lampara para patayin niya ito kung isa siyang halimaw. Ngunit nagulat siya nang nalaman niyang si Cupid ang asawa niya sa punto na nahulog ang lampara at nasunod si Cupido, na umalos sa huli.

Hinanap ni Psyche si Cupid sa punto na humarap siya kay Venus. Inilagay siya ng diyosa sa tatlong gawaing napakaimpossible. Nagtagumpay siya sa tatlong gawain at patungo na siya sa huling gawain.

Ang huling Gawain ay magtungo sa mundong ilalim at kunin ang isang katas ng kagandahan ni Prosepina. Nang akuha niya ito’y bumalik siya sa luklukan ni Venus. Nang buksan niya ito’y hindi ito ang katas ng kagandahan ni Proserpina kundi isang katas ng Stygian sleep.

Tumungo si Cupid sa kanyang natutulog na asawa at binigyan ito ang ambrosia para maging imortal si Psyche. Pagkatapos nanganak si Psyche at tinawagan niya itong “Pleasure”.

BERSYONG INGLES: CUPID AND PSYCHE – Story Of The Most Beautiful Woman And The Son Of Venus

Leave a Comment