Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Parabula?”
ANO ANG PARABULA? – Sa pakasang ito, pagaaralan natin ang tinatawag na “parabula” at mga halimbawa nito.

Ang parabula o talinghaga ay mga maikling kuwento na galing sa bibliya na kung saan ang mga importanteng aral ay makukuha.
Galing sa salitang Ingles na “Parables” ang parabula at galing naman ito sa salitang Greek na “Parabole“.
Ang Parabole ay maiksing sanaysay ukol sa mga posibleng mangyari o nangyayari sa buhay. Kadalasan ito ay nagtutura ng aral ispiritwal o kagandahang asal na maaring gamiting gabay ng tao sa pagdesisyon.
Bukod rito, ang parabula ay maaaring nasa anyong patula o prosa. Kadalasan, isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Mga Halimbawa:
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa | (Mateo 8:23-27).
Nang minsangs sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo.
Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang sinasakyan nila.
Nagkataon namang natutulog noon si Jesus kaya ang mga alagad ay nilapitan at ginising siya.
“Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay kami! Lulubog tayo!”
Nang magising si Jesus ay sinabi niya sa mga alagad, “Ano’t kayo’y natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!”
Nang oras ding yaon ay bumangon ni Jesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon.
Ang lahat ng nakasakay sa bangka ay namangha at sinabing, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”
Aral na makukuha:
- Ang anomang bagay ay magagawa ng Diyos kapag marunong tayong magtiwala sa kanya.
- Hindi dapat tayo matatakot sa mga pagsubok na haharapin natin dahil kasama natin ang Diyos sa anumang oras.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: PANITIKAN – Ano Ang Mga Anyo At Mga Akda Nito?