Kabanata 34 El Filibusterismo – “Ang Kasal Ni Paulita” (BUOD)
KABANATA 34 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 34 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung-apat na kabanata.
Ang Kabanata 34 ay may titulo na “Ang Kasal Ni Paulita” na sa bersyong Ingles ay “The Wedding”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Nasa lansangan si Basilio patungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy pero wala ang kaibigan sa bahay nito at maghapong di daw umuwi.
Inisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara.
Nakita niyang bumaba sina Paulita at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya para kay Isagani.
Inisip niyang ayain ito sa himagsikan pero naisip niyang di ito papayag dahil wala pang pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din niya ang pamilya niyang nasawi kaya hindi na rin siys makapaghintay sa mangyayaring pagsabog.
Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging na dala-dala ang lamparang pampasabog.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ng kapitan.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 33 – Ang Huling Matuwid
Kabanata 35 – Ang Piging