ANG KWINTAS – Buod Ng Isinulat Ni Guy De Maupassant
ANG KWINTAS – Sa paksang ito, ating alamig at babasahin ang buod ng kwentong “Ang Kwintas” na isinulat ni Guy de Maupassant.
Gaya ng nakasulat sa itaas, ito ay isinulat ng isang manunulat na Pranses na si Guy de Maupassant (buong pangalan ay Henri René Albert Guy de Maupassant).
Narito ang buong buod nito:
Dumating ang kanyang asawang si G. Loisel isang gabi na may dalang sobre na naglalaman ng paanyaya sa isang kasiyahan mula sa Ministro ng Instruksyon Pampubliko. Ngunit nagdabog at bumulong si Mathilde sa anong gagawin niya rito. Sinabi niya sa asawa na kailangan niya ng pera para bumili ng bagong bestida upang magamit sa dadaluhang pagtitipon. Apat na raang prangko ang kanyang hiningi kung kaya si G. Loisel ay natigilan. Sa huli ay pumayag din ito na bumili ng bagong bestida si Mathilde.
Pero hindi nakuntento si Mathilde na wala man lang hiyas na suot kaya humiram siya ng kwintas sa kanyong kaibigang si Madam Forestier. Pinahiraman ni Forestier si Mathilde ng kwintas. Nang sumapit ang araw nahigitan ni Mathilde ang lahat ng mga babae sa ganda, rangya at kahalina halina. Kung kaya siya ay naging maligaya sa gabing iyon.
Matapos ang kasiyahan umuwi silang mag-asawa. Nang humarap sa salamin si Mathilde ay napasigaw siya dahil nawala ang kwintas na hiniram niya.
Hinahanap nila ito ngunit hindi ito makita. Kaya siya naghanap ng katulad nito upang isauli kay Madam Forestier sapagkat nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko.
Nang mabili na nila ang kwintas ay isinauli ito kay Madam Forestier na naging malamig ang pakikiharap sa kanya. Noon lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng karalitaan. Tumagal ng sampung taon ay natapos din ang lahat ng kanilang utang kasama na ang mga tubong nagkapatong patong.
Mukhang matanda na si Mathilde na isa nang tunay na babae na mayroong maralitang buhay. Isang araw ay naglalakad si Mathilde sa Champs Elysees. Nakita niya si Madam Forestier na may kasamang bata. Katulad pa din ito ng dati na may taglay na panghalina. Binati niya ito ngunit siya ay hindi na nakilala dahil malaki ang pagbabago ng kanyang itsura. Isinisi niya kay Foresties sa nangyari sa kanya.
Sinabi niya ang pagkawala ng kwintas at ang pagbili niya kapalit ng kwinras na naging sanhi ng kahirapan ng kanyang pinagdaanan. Ngunit sinabi ni Madam Forestier na isang imitasyon lamang ang hiniram niya kay Mathilde. Ang pinakamataas na maihahalaga ay limang daang prangko lamang. Umuwi si Mathilde sa kanilang bahay at sinabi ito sa kanyang asawa.