Kabanata 16 El Filibusterismo – “Ang Kasawian Ng Isang Intsik” (BUOD)
KABANATA 16 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 16 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabing-anim na kabanata.
Ang Kabanata 16 ay may titulo na “Ang Kasawian Ng Isang Intsik” na sa saling Ingles ay “The Tribulations of a Chinese”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Si Quiroga ay isang negosyanteng Intsik. Nagawa pa nitong magpatawag ng isang hapunan sa kabila ng hinaharap niyang pagkalugi ng kanyang negosyo. Pakay niya ay magkaroon ang bansa ng konsulado ng Tsina. Inimbitahan niya ang mga military, kawani ng gobyerno mga prayle, at kapuwa negosyante.
Nandiyan rin si Simoun. Ang pakay niya’s hindi lamang pagsama sa hapunan kundi maging ang paningil sa utang ni Quiroga. Gayunman, dahil sa pagkalugi ng kaniyang negosyo, hindi siya makababayad kay Simoun ng limang libong piso.
Inalok naman siya ng alahero na maari niyang bawasan ang pagkakautang ng Intisk ng dalawang libong piso kung papayag siyan maitago ang armas sa kanyang bodega.
Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot si Quiroga dahil unti-unti rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa ang Instik kung hindi pumayag sa alok ni Simoun.
Nag-uusap naman sina Don Custodio ukol sa ipadadala sa India para matutong gumawa ng sapatos para sa sadatahan.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 15 – Si Ginoong Pasta
Kabanata 17 – Ang Perya Sa Quiapo