Ang Kuba Ng Notre Dame – Buod Ng Nobela Ni Victor Hugo

Ang Kuba Ng Notre Dame – Buod Ng Nobela Ni Victor Hugo

ANG KUBA NG NOTRE DAME – Sa paksang ito, ating babasahin ng nobela na isinulat ni Victor Hugo: “Ang Kuba ng Notre Dame”.

ANG KUBA NG NOTRE DAME
Image from: Owlnation

Mas kilala sa Ingles bilang “The Hunchback of Notre Dame” o sa o sa orihinal niyang pangalan bilang “Notre-Dame de Paris”, ito’y isang nobelang Pranses Gothic na gaya ng sinabi sa itaas, isinulat ni Victor Hugo na inilathala noong 1831.

Ito ay isang mahalagang nobela sa panitikan ng Pranses at lagi itong ginawang mga pelikula, tv shows, at isang animated adaptation na mula sa Disney.

Ang nobelang ito ay nakasentro sa isa sa mga pinakakilalang simbahan sa Pranses na tinawag na Notre-Dame de Paris o Notre Dame Cathedral.

Narito ang buod nito:

Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang pangit na si Quasimodo. Nagkagusto siya kay La Esmeralda, isang napakagandang mananayaw.

Ngunit hindi lang si Quasimodo ang nagkagusto sa kanya, maging ang paring si Claude Frollo na kumukupkop kay Quasimodo at si Phoebus, ang kapitan ng tagapagtanggol ng kaharian ay nabighani rin.

Labis ang pagnanasa ni Frollo kay La Esmeralda kung kaya’t sinunggaban niya ito isang araw na naglalakad mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng isang pilosopong si Pierre Gringoire.

Dinakip si Quiasimodo at natakdang bitayin ngunit hindi nabitay dahil nakiusap si Esmeralda. Sa oras na iyon ay nahulog ang loob ni Quasimodo kay La Esmeralda.

Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya’t pinagdesisyunan siyang bitayin.

Nang oras na siya ay bitayin ay sumugod ang mga magnanakaw na kaanak ni La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din si Quasimodo. Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o mahalin na lamang siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa mahalin si Frollo.

Noong makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis siyang nasaktan at bigla na lang naglaho ngunit kalaunan ay natagpuan ang isang kalansay ng kuba na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

BASAHIN DIN – Kabanata 11 El Filibusterismo – “Los Baños” (BUOD)

Leave a Comment