Ano Ang Kahulugan Ng Abstrak? (Sagot)
ABSTRAK – Ito ay uri ng lagom na kadalasan ginagamit sa pagsusulat ng mga akademikong papel (academic papers).
Halimbawa nito ay ang “thesis”, scientific papers, technological lecture at mga report. Ito ay karaniwang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
Nakaloob din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat. Kahit na ang abstrak ay maikli lamang, ito ay nag lalaman ng Introduksyon, kaugnay na letra, metodolohiya reilta at konklusyon.
Ito ang mga nilalaman ng isang Abstrak:
- Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral
- Saklaw at Delimitasyon
- Resulta at Konklusyon
Sa Ingles, ito ay ang tinatawag na
- Rationale Of the Problem
- Scope and Limitations
- Results and Conclusion
Mga Dapat malaman sa pagsusulat ng Abstrak:
- Lahat ng impormasyon na ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi pwedeng mag lagay ng kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
- Iwasan ang statistical figures dahil hindi ito nangagailangan ng detalyadong explenasyon.
- Huwag gumamit ng sariling opinyon
- Dapat naka dobleng espasyo
- Gawing maikli ngunit komprehensibo.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Dula – Ano Ang Kahulugan Ng Dula At Mga Halimbawa Nito?