BUGTONG – Mga Iba Pang Halimbawa Ng Riddles O Bugtong-Bugtong

BUGTONG – Mga Iba Pang Halimbawa Ng Riddles O Bugtong-Bugtong

BUGTONG – Sa paksang ito, narito ang mga iba’t iba pang mga halimbawa bugtong na kailangan natin alamin at ang sagot ng bawat isa sa kanila.

BUGTONG

Narito ang iba pang mga halimbawa ng mga palaisipan. Para makita ang sagot, i-highlight ang pula na kahon na parang ganito:

BUGTONG
Animation by: Ouja Kiyoshi

Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Ano ito?

KULAMBO

Hindi hayop; hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. Ano ito?

SINTURON

Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo. Ano ito?

ASO

Balong malalim, puno ng patalim. Ano ito?

BABA

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. ano ito?

ZIPPER

Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Ano ito?

KASOY

Tumapak ako sa impyerno; Mayamaya, nasa langit na ako. Ano ito?

ESCALATOR

Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Ano ito?

TENGA

Maliit na bahay, puno ng mga patay. Ano ito?

MATCHBOX

Duguang buhok ni Leticia, sinipsip ng kaniyang bisita. Ano ito?

SPAGHETTI

Aling bagay sa mundo ang inilalakad ay ulo. Ano ito?

SUSO

Dalawang magkaibigan, may talim ang tiyan; matagal ng nagkakagatan di pa nagkakasakitan. Ano ito?

GUNTING

Maliit pa si kumpare, nakaakyat na sa tore. Ano ito?

LANGGAM

Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Ano ito?

GUMAMELA

Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. Ano ito?

KANDILA

Isang bundok hindi makita ang tuktok. Ano ito?

NOO

Buhos ng tubig na umaagos sa kaitaasan, tumatalon sa ilog-ilogan. Ano ito?

.

May kabayo akong payat, pinalo ko ng patpat, lumukso ng pitong gubat, naglagos ng pitong dagat. Ano ito?

ALON

Nang wala pang ginto ay doon nagpalalo, nang magkagintu-ginto ay doon na nga sumuko. Ano ito?

PALAY

Problemang pangkalikasan, naghahatid ng maramihang kamatayan sa hayop man o sa halaman. Ano ito?

SALOT

BASAHIN DIN: Iba Pang Mga Halimbawa At Ang Sagot Nito

Leave a Comment