Kwentong Bayan – Ang Kahulugan At Mga Halimbawa Nito
KWENTONG BAYAN – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang kahulugan ng panitikang kwentong bayan at mga iba’t ibang mga halimbawa nito.
Kahulugan
Ayon sa PanitikangPinoy, ito ay mga salaysay na mula sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan tulad ng hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Ito ay kadalasang kaugnay sa isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Ito ay katulad rin ng mga alamat at mga mito. Ang mga akdang ito ay karaniwang may ibinibigay na mensaheng ubod ng kaalaman katulad ng salawikain.
Halimbawa
Ang Punong Kawayan
Mula sa Mga Alamat at iba pang mga Kuwento ni Angelita L. Aragon.
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko’y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.
Ang Batik Ng Buwan
mula sa Bayan ng Bisaya
Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.
Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.
Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit kaya’t hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak. Sa gayo’y sinumabatan niya ang asawa. “Niyakap mo sila? Huwag kang magsisinungaling!”
Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.
BASAHIN DIN: FUNNY QUOTES TAGALOG – Examples Of Funny Quotes