Pagtalakay Sa 5 Uri Ng Panghalip At Mga Halimbawa Nito Sa Pangugusap
PANGHALIP – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang limang (5) uri nito at mga halimbawa ng pag-gamit nito sa pangugusap.
Sa isa pang artikulo, tinalakay natin ang ibat-ibang uri ng panghalip at kanyang mga halimbawa.
Para sa isang madaling review, ang panghalip o “pronoun” sa Ingles ay ginagamit sa panghalili or pamalit ng ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.
Ito ay mayroong limang (5) magkakaibang uri:
- Panao
- Pamatlig
- Pananong
- Panaklaw
- Pamanggit
Ang panghalip na panao o “personal pronoun” sa ingles ay gingamit sa panghalili sa ngalan ng isang tao.
Mga Halimbawa:
- Ako
- Ako ay isang Pilipino.
- Ikaw
- Ikaw ang aking kaibigang maganda.
- Tayo
- Doon naman tayo mag laro sa slide.
- Sila
- Paano sila naka punta sa lugar na ito?
- Kami
- Pupunta kami sa bahay ng kaibigan namin mamaya.
Ang Panghalip na pamatlig ay makikita natin sa mga salitang panturo. Sa ingles, ito ay tinatawag na demonstrative pronoun.
Mga Halimbawa:
- Dito
- Dito na ako matutulog sa bahay ng kaibigan ko.
- Ito
- Ito ang aking malaking pusa na si Fluffy.
- Diyan
- Diyan kana matulog sa kama mo, Fluffy.
- Doon
- Doon ako sa mall bumili ng regalo ko kay mama.
- Iyan
- Sa akin nga po ang mga laruan na iyan.
Ang panghalip na pananong ay ginagamit sa pagtanong sa tao, hayop, pangyayari, lugar, at iba pa. Sa ingles, ito ay tinatawag na interrogative pronoun.
Mga Halimbawa:
- Sino
- Sino ba ang nag sulat sa papel na ito?
- Ano
- Ano ba ang problema mo kay Fluffy?
- Kanino
- Kanino ba itong bag sa sahig?
- Bakit
- Bakit mo ba ina-away ang pusa kong si Fluffy?
- Saan
- Saan ba ang pinaka malapit na mall dito?
Ang Panghalip na panaklaw sa ingles ay “indefinite pronouns”. Ito ay ginagamit sa pag tukoy sa bilang ng tao o bagay.
Mga Halimbawa:
- Lahat
- Lahat ng tao dito ay matatalino sa Ingles.
- Sinuman
- Sinuman sa mga contestant ay pwedeng manalo.
- Madla
- Pinatawad ng madla ang lalaking may kasalanan.
- Pawang
- Pawang mga estudyante lamang ang makakapasok sa classroom na ito.
- Alinman
- Alinman sa kanila ang pipiliin mo, makaka-tulong ka pa rin.
Ang panghalip na pamanggit ay ginagamit bilang taga-pag ugnay ng dalawang pananalita. Sa ingles, ito ay “relative pronoun”.
Mga halimbawa:
- na
- Ang lalaki na nakita sa TV ay kapitbahay namin.
- ng
- Ang paa ng pusang si Fluffy ay maliit at cute.
Basahin din ang: PANG-URI: Tatlong (3) Antas Ng Pang-Uri At Mga Halimbawa