Ang Buod Ng Kwentong “Ang Alaga” Ni Barbara Kimenye
ANG ALAGA – Sa paksang ito, ating babasahin ang kwentong Ang Alaga na isinulat ng awtor na si Barbara Kimenye.
Tungkol Sa Akda
Si Barbara Kimenye ay isa sa mga pinakasikat na akda sa Silangang Aprika. Nakasulat siya ng higit pa sa 50 na mga gawa at nakilala sa ginawa niyang seryeng “Moses” na tungkol sa isang makulit na estudyante na nasa boarding school ng mga pasaway.
Narito ang buod na mula sa website na TagalogLang:
Si Kibuka ay isang matanda na ayaw magretiro sa kanyang trabaho sa gobyerno. Dahil umabot siya sa edad ng pagreretiro, wala siyang magawa kundi tumigil sa pagtrabaho.
Nalulungkot si Kibuka sa kawalan ng gawain, kaya naisipan ng kanyang apo na bigyan si Kibuka ng isang itim na biik.
Itinuring niyang alaga na pati sa kama ay natutulog sila nang magkatabi.
Lumaki ng mabilis ang biik hanggang sa hindi na makayanan ni Kibuka na bilhan ng pagkain. Nalaman ito ng kanyang mga kapitbahay kaya inalok nilang bigyan ang baboy ng makakain. Tuwang-tuwa sila kasi parang alaga na rin nila ang baboy at dinadalaw nila ito palagi.
Isang araw, naaksidente si Kibuka, kasama ang baboy. Nasagasaan sila ng motorsiklo. Sa kasawiang-palad ay naipit ang leeg ng baboy sa kung saan, at ito ay namatay.
Inisip ni Kibuka na iluluto ang namatay niyang alaga. Ganoon kaya ang ginawa ni Kibuka?
BASAHIN DIN: Deus Ex Machina – What Exactly Is Deus Ex Machina?