Buod Ng Tatlong Araw Tatlong Gabi Na Isinulat Ni Eros Atalia

Buod Ng Tatlong Araw Tatlong Gabi Na Isinulat Ni Eros Atalia

TATLONG ARAW TATLONG GABI – Sa paksang ito, ating alaminin at basahin ang buod ng kwentong “Tatlong Araw Tatlong Gabi”.

TATLONG ARAW TATLONG GABI

Ang kwentong ito ay isinulat ni Eros Atalia na isang akdang Filipino, propesor at journalist na galing sa siyudad ng Cavite City.

Narito ang buod ng kwento na galing sa WordPress website na Georgeiamthecat:

Nagsimula ang kwento sa Brgy. Magapok na pupuntahan ni Mong dahil sa habilin ng kanyang yumaong ina. Isa na rin dito ang tutumbukin ng paparating na bagyong Ador at tutumbukin ang Brgy. Marulas na malapit na rin sa Brgy. Magapok at kinasasakupan ng bayan ng Sta. Barbara.

Dumating ang masamang balita kay Mong. Susunduin siya ng kanyang katropang sina Dex at Val subalit tumaas na ang ilog at malakas na rin ang agos sa bukana ng Rio de Gracio, ang nag-iisang daanan papuntang Brgy. Marulas.

Ilang araw, napapabalita na kay Mong na maraming hayop na ang nawawala. Ayon kay Mong, hindi ito nangyari nung siya ay naninirahan pa dito sa Brgy. Magapok.

Napagawi sina Mong, Berto, Dencio, Kap. Joselito at iba pang kalalakihan sa latian dahil sa paghanap ng nawawalang hayop. Wala ni isang ibong nakadapo at namamahinga sa bakawan.

Ang lugar ay maputik kaya sila hirap humakbang. .Gumagalaw ang halaman kahit walang nakahawak dito. May kumakaluskos. May mga tinig silang naririnig. Parang nagbubulungan. Lumalakas, humihina ang boses. Biglang may humila kay Berto! Nabitawan niya ang kanyang baril at nilamon na siya ng bakawan.

Walang makaimik sa nangyari. Makakita sa blackboard ang bilang ng mga nawawala. Walang bahay na walang umiiyak, sumisigaw, tumatangis… may patay sa bawat bahay.

Sa pagkakataong iyon, kinausap ang sarili, humingi ng tawad sa nanay dahil hindi na niya matutupad ang pangako nito. Sinaboy ni Mong ang abo ng kanyang ina kasama ang bangkay ng mga taga Magapok.

Nang tinapon ang sulo, namatay ang apoy sabay ang pagnginig ng lupa.

May nagdarasal sa kapilya habang ang iba ay nakahiga at nakatulala sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Ang mga naninirahan ay sumasayaw sabay sa pagbuhos ng ulan.

Ang ikatlong gabi ng kanilang piyesta ay nauwi sa trahedya sapagkat ang naiwan sa kapilya ay hindi na naman nagising. Wala ni isang bakas ng karahasan.

Wala na ang mga tao at hayop sa Brgy. Magapok. Sumigaw si Mong at Lumen, nagtatawag ng pangalan ng mga kakilala. Walang sumasagot, tanging katahimikan lamang ang bumabalot sa Brgy. Magapok. Hanggang sa tuluyang nanaig ang katahimikan at kadiliman.

BASAHIN DIN: The White Man’s Burden – Poem About The Phil-Am War

Leave a Comment