Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Mga Sumusunod Na Elemento Ng Sanaysay? (SAGOT)

ELEMENTO NG SANAYSAY – Sa paksang ito, ating aalamin at tutuklasin ang mga iba’t ibang elemento ng sanaysay.

ELEMENTO NG SANAYSAY

Unahin nating alamin ang ibig sabihin ng isang sanaysay.

Sanaysay

Ito ay isang uri ng panitikan na hindi mauubusan ng gamit. Maari itong maging pormal, personal, analitikal o siyentipiko.

Gumagamit ito ng mga sumusunod:

  • pagsasalaysay
  • paglalarawan
  • pagpapatawa

Ito ay para makapahayag ng katotohanan o mga pinagdadaanan ng tao. Maari itong maikli o mahaba.

Dalawang Uri

May dalawang uri nito:

  • impormal o palagyan
    • ito ay maaring maipahayag ang kanyang saloobin
  • pormal o maanyo
    • ang paksa ay ipinahayag ng seryoso

Mga Elemento

  • Pamagat Title
    • ito ay nagpakilala kung ano ang nalalaman ng sanaysay at makakatulong ito sa mga nagbabasa nito para makuha ang kanilang atensyon
  • Thesis
    • Ito naman ang pangunahing punto ng sanaysay, nalalaman nito ang naid na ipahayag ng awtor.Dapat sa elementiong ito ay maikli pero ubod ng kaalaman.
  • Organisasyon
    • Ito naman nalalaman kung paano naka-ayos ang mga laman ng sanaysay. Ito ay dapat may magandang pagkakaayos mula sa umpisa hanggang sa dulo nito. Dapat ring madaling maiintindihan ang nais sabihin ng awtor sa nagbabasa nito.
  • Simula / Panimula
    • Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.
  • Gitna / Katawan
    • Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.
  • Wakas
    • Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.

BASAHIN DIN – LINKING VERB – What Is A “Linking Verb” & Its Examples

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Ano Ang Mga Sumusunod Na Elemento Ng Sanaysay? (SAGOT)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.