Ano Ang Mga Iba’t Ibang Pangkat Etniko Ng Luzon?
PANGKAT ETNIKO SA LUZON – Sa paksang ito, ating alamin ang sagot sa katanungang kung ano ba ang mga iba’t ibang mga pangkat etniko sa Luzon.
Ang mga pangat etniko sa bansa natin ay nakikilala sa kanilang sarili sa isa o higit pang mga aspeto katulad ng kultura, wika, kasaysayan, at iba pa.
Ang karamihan sa populasyon ng pangkat at pawang Austranesyano mula sa relihiyong Animismo, Hunduismo, Budismo o Islam na naglipat ng relihiyong Kristyanismo sa panahon ng pagsakop ng mga Kastila.
Narito ang mga iba’t ibang mga pangkat etniko sa islang pangkat ng Luzon:
- Mangyan
- Ang mga Mangyan ay nakatira sa mga liblib na pook ng Mindoro. Sila ay mahiyain, kulay kayumanggi, itim ang buhok, maamong mata, at may katamtaman ang tangkad.
- Ifugao
- Ang pangkat etniko na ito ay naninirahan sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon. Ang salitang Ifugao ay galing sa salitang ipugo na ibig sabihi ay “mula sa mga burol”.
- Kalinga
- Sila ay naninirahan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Sila ay mahilig sa makukulay na pananamit at pampaganda.
- Itawis
- Matatagpuan ang pangkat etniko sa timog kanlurang bahagi ng Cagayan. Galing sa salitang I at Tawid ang pangalan nila na ibig sabihin ay “mga tao sa kabila ng ilog”.
- Kankana-ey
- Sila ay pangatlo sa pinakamalaking pangkat na naninirahan sa Mountain Province ng hilagang Luzon.
- Ilongot
- Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay “mula sa gubat”. Matatagpuan sila sa mga kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya.
- Ibaloy
- Matatagpuan sila sa mga bayan ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba na nasa timog silangang bahagi ng Benguet.
- Isneg
- Kilala rin bilang Apayao o Ina-gang, matatagpuan sila sa Kalinga at Apayao. Sila ay karaniwang nasa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog.
- Ivatan
- Ang pangkat etniko na ito ay mga mamamayan ng Batanes. Sila ay relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan.
BASAHIN DIN: Ilan Ba Ang Mga Pangkat Etniko Sa Pilipinas? (Sagot)