Ano Ang Pyudalismo? Depenisyon Ng Systemang Ito
PYUDALISMO – Sa paksang ito, ating alamin at talakayin ang depinisyon ng isang sistema na tinatawag na Pyudalismo.
Depinisyon
Ayon sa isang powerpoint presentation Edmund Macapia na ipinublish sa SlideShare, ito ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang pagmamay-ari ng lupa ng isang panginoon ay ipinasasaka sa mga nasasakupang mga tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoon.
Mga Tauhan
- Lord – panginoon o may-ari ng lupa
- Noble – dugong bughaw
- Vassal – mga taong tumatanggap ng lupa mula sa panginoon
Fief
Sa sistemang ito, mayroong fief na ginaganap bilang patunay ng kanyang pagtanggap ng lupa. Sa fief, may nakasulat na ganito:
“I promise on my faith that I will, in the future, be faithful to the lord, never cause him harm, and will observe my homage to him completely against all persons in good faith and without deceit.”
(Nangangako ako sa aking pananampalataya na ako ay, sa hinaharap, ay maging tapat sa panginoon, hindi gagawa ng ipaahamak niya magpakailanman, at sundin ng lubos ang aking paggalang sa kanya laban sa lahat ng tao sa mabuting pananampalataya at walang pandaraya.)
Sa sistema ring ito ay may mga tauhang tinatawag na knight o kabalyero. Pero sino po sila?
Kabalyero | Knight
Ang temang ito ay galing sa salitang Anglo-Saxon na “Cniht” na ibig sabihin ay lalaki.
Ito ay isang onoraryong titulo na ibinigay sa isang lalaki na mula sa hari o reyna.
Ang isang kabalyero ay nasa pangangalaga ng kanyang ina mula pagkapanganak hanggang pitong taong gulang.
Nang maging katorse anyos na ang lalaki, ipinadala siya sa isang panginoon upang maging page. Sa pagiging page, sinasanay siya sa paggamit ng espada at pagsakay ng kabayo.
Makalipas ng ilang taon ay magiging isang squire siya at sasama siya sa kanyang maestro sa mga tournament.
Sa 21 anyos ay ibibigay siya ng titulo ng knighthood upang maging ganap na kabalyero siya.
Asal ng Isang Kabalyero
- Ang isang kabalyero ay tapat at magalang
- May sinusunod ang isang kabalyero na tinatawag na chivalry
- Ang chivalry ay isang dakilang gawain ng mga kabalyero.
BASAHIN DIN – Ano Ang Merkantilismo? Depenisyon Ng Isang Kaisipang Ekonomiya