Buod Ng Alamat Ng Kalabasa – Alamat Tungkol Sa Kalabasa
ALAMAT NG KALABASA – Sa paksang ito, ating tatalakayin at babasahin ang buong buod ng alamat ng kalabasa na isang halaman.
Ang buod nito ay galing sa website na MarvicRM. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng halamang tinatawag na kalabasa o squash sa Ingles.
Narito ang buod ng alamat na ito:
Si Kuwala ay anak ng mangugulay na si Aling Disyang. Wala siyang ama kaya ang ina ang nagtataguyod sa kanya.
Isang mabait na bata si Kuwala. Mahilig itong magbasa ng mga libro na kanyang tinuring libangan. Kaya nga tawag sa kanya’s “Kuwalang Basa ng Basa”.
Dahil matalino si Kuwala, sumikap si Aling Disyang namatustusan ang kanyang pag-aaral.
Isang hapon, umuwing may lagnat si Kuwala. Inireklamo ng anak ang kahirapan sa paglunok. Nagsuka rin ito ng nagsuka. Dahil salat sa pera ang ina, hindi agad nadala si Kuwala sa doktor.
Ayon sa doktor, paralytic poliomyelitis ang kaniyang sakit at namatay si Kuwala ng ilang Linggo.
Nalungkot si Aling Disyang. Upang mawala ito, iniasikaso niya ang pagtatanim ng gulay.
Pagdaan ng ilang araw ay napansin niya na may isang kakaibang halaman na tumubo at nagbunga sa kanyang taniman.
“Saan galing ito?” tanong niya. “Galing ito kina Kuwalang basa ng basa.” sabi ng tinanong. Naging kalabasa ang pangalan nito sa huli.
BASAHIN DIN – Summary Of Kudaman – An Epic Of The Palawan Province