Uri Ng Komunikasyon – Ano Ba Ang Mga Iba’t Ibang Uri Nito?

Ano Ang Mga Iba’t Ibang Mga Uri Ng Komunikasyon

URI NG KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin ngayon ang mga iba’t ibang mga uri ng komunikasyon.

URI NG KOMUNIKASYON
  1. Berbal na Komunikasyon – ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog at sa pamamagitan ng pagsalita. Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga kaisipan
    • Denotatibo
      • Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita
    • Konotatibo
      • Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng emosyon o pansaloobin
      • Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng karagdagan o kahulugang literal
    • Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Verbal
      • Referent – mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita, tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon at ugnayan ng bagay sa ibang bagay
      • Komong Referens – tumutukoy sa parehong kahulugang ibinigay ng mga tao.
      • Kontekstong Berbal – ang kahulugan ng isang salita na matutukoy ayon sa kaugnayan nito sa ibang salita
      • Paralanguage – magbigay ng kahulugang kaonotatibo
  2. Di-Berbal na Komunikasyon – tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng kilosng katawan at ang tinig na iniaangkop na sa mensahe.
    • Kinesics – tumutukoy sa kilos at galaw ng katawan sapagkat may ibinibigay na kahulugan ito.
      • Expresyon ng Mukha – nagpapakita ng emosyon
      • Galaw ng Mata – nagpapakita ng katapatan ng isang tao
      • Kumpas – tumutukoy sa galaw ng kamay, maari itong regulatibo, deskriptibo o empatiko
      • Tindig o Postura – ito ay nagpapakita kung anong klaseng taong ito na nag-uusap sa iyo
    • Proksemika – tumutukoy sa komunikasyon gamit ang distansya
      • Intimate – hanggang sa 1 – 1/2 ft.
      • Publiko – 12 ft. o higit pa
      • Sosyal – 4 -12 ft.
      • Personal 1 1/2 – 4 ft.
    • Kronemika – tumutukoy sa oras
      • Teknikal – ang oras na ginagamit para sa laboratoryo
      • Pormal – kung paano binibigyan ang kahulugang kultura at paano itinuturo
      • Impormal – ito naman ay medyo maluwag dahil hindi eksakto
      • Sikolohikal – ang kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan
    • Haptiks – ang pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. Nagpapahiwatig ito ng positibong emosyon.
    • Katahimikan – nagbibigay ng oras na mag-isip ang tagapagsalita
    • Kapaligiran – ang lugar na gagamitin sa anumang pulong
    • Simbolo – ang mga makikita sa paligid na nagsasaad ng mensahe
    • Kulay – nagpapahiwatig ng emosyon
    • Bagay – ang paggamit ng bagay sa pakikipagtalastasan

BASAHIN DIN – KAHULUGAN NG ANTROPOLOHIYA – Depinisyon At Iba Pang Alamin Dito

Leave a Comment