Tula Para Sa Kalikasan – Mga Halimbawa Ng Tulang Pangkalikasan
TULA PARA SA KALIKASAN – Sa paksang ito, babasahin natin ang mga iba’t ibang halimbawa ng mga tula para sa kalikasan.
Ang mga tula nito ay tungkol sa sa kalikasan, ang kagandahan nito at bakit kailangan itong sagipin para makita ng nakababatang henerasyon.
Narito ang mga halimbawa nito:
Dati akong panyo ng mahal na birhen
Na isinalalay sa pakpak ng anghel;
Maputi, malinis, maganda, maningning,
Ang lahat sa langit, nainggit sa akin.
At ako’y ginamit sa kung saan-saan,
Pamunas ng noo ni Bathalang mahal;
Kung gabi’y kulambo’t kung araw’y kanlungan,
Lalong pampaganda sa bukang-liwayway.Kung umaga ako’y ginto sa liwanag,
Karong sinasakyan ng Araw sa sinag;
At kung gabi namang tahimik ang lahat,
Dahilan sa Buwan, nagkukulay pilak.
Dati akong puti, busilak ang ganda,
Sa Dios pamunas sa tuwi-tuwi na;
Sa Birhen ay panyong pamahid sa dusa,
At sa mga tala ay kulambo nila.
Dahilan sa ganyang dami kong gawain,
Ako ay dumumi, lumungkot, umitim,
At ang katawan kong ibig kong basain,
Kapag lumitaw na, ulan ay darating.Ulap ni Jose Corazon de Jesus
At ngayon sa aki’y sawa na ang lahat,
Di na nagunita ang lahat kong hirap,
Dios ang may sabi: Ang aking pamunas
Nang marumihan na’y tinawag kong ulap.
Malawak na dibdib
ng sangkalikasan
may pusong maliblib
ng kahiwagaan;
madawag sa tinik
ng kasiphayuan;
mababa, matarik
ang mga halaman;
may mahalumigmig
na himig ng buhay.
May sapa at batis
na umaaliw-iw
sa kristal na tubig
ang buntong-hinaing;
sarisaring tinig
ng galak at lagim;
may lamig at init
ng dusa at aliw.Gubat ni Moises Santiago
Anupa’t kinapal
na napakalawak
ang kahiwagaang
hindi madalumat;
sa sangkatauhan
ay guhit ng palad
ng bawat nilalang
ang nakakatulad;
ganda’t kapangitan
ang buhay sa gubat.
Nakita ng buwan itong pagkasira,
Mundo’t kalisakasan ngayo’y giba-giba,
Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta,
Ang tubig – marumi, lutang ang basura.
Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,
Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,
At nakipagluhaan sa poong Maylalang,
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon,
Nasira ng usok na naglilimayon,
Malaking pabrika ng goma at gulong,
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!
Ang dagat at lawa na nilalanguyan
Ng isda at pusit ay wala nang laman,
Namatay sa lason saka naglutangan,
Basurang maburak ang siyang dahilan!
Ang lupang mataba na bukid-sabana,
Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Ah hindi… naroon… mga mall na pala,
Ng ganid na tao sa yaman at pera.
Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,
Ginawa na ng tao na basurahan,
At kung dumating ang bagyo at ulan,
Hindi makakilos ang bahang punuan.Kalikasan – Saan Ka Patungo? ni Avon Adarna
Ang tao rin itong lubos na dahilan,
Sa nasirang buti nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!
BASAHIN DIN – Etymology – Why Is This Branch Of Study Important? (Answers)