Sagot Sa Tanong Ano Ang Pinakamalaking Anyong Tubig Sa Mundo?
PINAKAMALAKING ANYONG TUBIG – Sa paksang ito, ating alamin kung ano ang pinakamalaking anyong tubig sa mundo.
Sa paksang Heograpiya, alam na natin ang sandosenang uri ng anyong tubig. Sila ay:
- Karagatan | Ocean
- Dagat | Sea
- Lawa | Lake
- Tsanel | Channel
- Talon | Falls
- Look | Bay
- Kipot | Strait
- Golpo | Gulf
- Ilog | River
- Batis | Stream
- Sapa | Smaller Stream
- Bukal | Spring
At sa doseng anyong tubig, mayroong isa na pinakamalaki, at ito ay ang karagatan o sa Ingles ay ocean.
Ang karagatan ay ang pinakamalaking yamang tubig sa lahat ng kauri nito. Dito naglalakbay ang mga malalaking mga barko.
Ang salitang karagatan ay galing sa salitang ugat na dagat at ang unlapi at hulaping ka- at -an na pinagsama , na kung bigyang kahulugan ito, ito ang mga pangkat ng mga dagat.
Sa Ingles na termino naman, ang salitang Ocean ay galing sa salitang Griyego na Ōkeanós (Ὠκεανός) na ipinahayag na galing sa pangalan ng isang Griyegong dios ng tubig na si Oceanus na isang Titan.
May mga limang malaking karagatan sa mundo: Pasipiko (Pacific), Atlantic (Atlantiko), Southern (Timog), Indian (Indiyano), at Arctic (Arktik).
May isa sa limang karagatan na pinakamalaki sa buong mundo at ito naman ay ang Karagatang Pasipiko na may lawak ng highit 165 square kilometro o 63 milyon square milya at may lalim ng 10.9 metro o 35.8 feet.
Check out our latest news at philnews.ph
Ok