Sino Ang Mga Tauhan Sa Kwentong Ang Kalupi Ni Benjamin Pascual?
TAUHAN SA KWENTONG ANG KALUPI – Sa paksang ito, kilalanin natin ang mga tauhan sa kwentiong Ang Kalupi ni Benjamin Pascual.
Ang Kalupi
Ito ay isang maikling kwento na nagpapakita ng realidad na hindi lahat ng bagay sa mundo ay binibigyan ng hutisya sa lipunan.
Ito ay tungkol sa pagkawala ng kalupi ng isang nangangalang Aling Martha at ipinagbibintangan ang batang si Andres.
Ang tema ay makabuluhan ngunit ito ay nakapagmumulat sa mata ng mga mambabasa sa mga kalalabasan ng pagiging mapanghusga.
Mga Tauhan
Sa kwentong ito ay may anim na tauhan:
- Aling Marta
- Isang nanay at asawa na nagtatrabaho para sa kinabukasan ng pamilya. Siya ang babae na nawalan ng kalupi. Isa rin siyang sinungaling at mapanghusgang tao.
- Andres Reyes
- Ang batang hindi sinadyang binangga si Aling Marta at pinagbintangan na siya ang nagnakaw ng kalupi. Isa rin syang bata na walang permanenteng tirahan.
- Mga Pulis
- Ang mga humuli at nag-imbestiga sa hinalaang pagnakaw ni Andres sa kalupi ni Aling Marta.
- Aling Godyang
- Isang tindera na inutangan ni Aling Marta para sa pambili ng panghanda.
- Ang Anak na Dalaga ni Aling Marta
- Ang anak ni Aling Marta na magtatapos ng hayskul na pinaghahandaan ni Aling Marta ang garbansos na hilig niya.
- Ang Asawa ni Aling Marta
- Isa rin sa nagsusumikap para sa kanilang pamilya. Mahilig sa yosi at ang talagang kumuha ng alupi ni Aling Marta na walang paalam.
BASAHIN DIN – Ano Ang Dulang Pantelebisyon? Ang Kahulugan At Mga Palabas