Ano Ang Kaibahan Ng Pamahalaang Militar At Pamahalaang Sibil?
PAMAHALAANG MILITAR – Sa ating paksa ngayon, ating alamin kung ano talaga ang pinagkaiba ng pamahalaang militar at pamahalaang sibil.
Pamahalaang Militar
Ito ay isang pamahalaan na kung saan ang layunin nila ay ang pagpigil ang pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa. Ang tungkulin ng pamahalaang ito ay ang katahimikan at kaayusan ng isang bansa.
Sa bansang Pilipinas, ito ay pinamumunuan ni William McKinley, na syiya ang umutos kay Heneral Wesly Merirtt na magiging gobernador-heneral ng bansa noong Agosto 14, 1898. Hindi ito pinayagan ng unang presidenteng si Emilio Aguinaldo pero hindi nila pinansin.
Sa pamamahalang ito, naging mapayapa at maayos ang bansa, ipinatupad ang sistema ng edukasyion ng mga Amerikano at nabuksan ang Maynila sa kalakalang pandaigdigan.
Pamahalaang Sibil
Matapos maayos ang bansang Pilipinas ay ipinalit to sa pamahalaang sibil. Isang uri ito ng pamahalaan na pinamumunuan ng mga mamayan.
May layunin itong itaas ang demokratikong pamumuno kong saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga sibilyan.
Nagbibigay ito ng paggawad ng mga kaukulang karapatan maliban sa paghuhukom, pagtatalaga ng mga Pilipinong komisyonado sa US Congress, pagtatag ng Philippine Assembly at pangangalaga ng mga likas na yaman.
Sa militar, walang karapatan o kapangyarihan ang mga tao kung ideklara ito dahil mga sundalo sila, samantalang ang nasa sibil, maaring mamuno ang tao dahil itatag ito sa bansa ng mga dayuhan upang magkaroon ng karapatan na mamahala sa bansa.
BASAHIN DIN – Ano Ang Kalagayang Panlipunan Ng Brazil? (Sagot)
Thanks! I was looking for this for my assignment! :3