Ano Ang Dulang Pantelebisyon? Ang Kahulugan At Mga Palabas
DULANG PANTELEBISYON – Sa paksang ito, ating alamin natin ang ibig sabihin ng dulang pantelebisyon at mga kontento nito.
Kahulugan
Ito ay tumutukoy sa mga programa palabas sa telebisyon o mga produksyong medya. Ito ay isinilang sa 1926 sa bansang Britanya at 1927 sa Amerika.
Nakarating ito sa sa bansang Japan noong 1928. Ang kauna-unahang kompanya ng mga telebisyon sa bansang Pilipinas ay ang Bolinao Electronics Company.
Mga Palabas Sa Telebisyon
- Dulang Seryeng-Pantelebisyon – ito ay mula sa konsepto o istorya na nakabata sa iskrip at kadalasang pinapalabas gabi-gabi o linggo-linggo
- Telenovela – isang uri ng seryeng-pantelebisyon na kung saan umiikot ang kwento sa buhay ng bida
- Pulis at Imbestigasyon – ito ay ukol sa pagsolba ng mga pulis at imbestigador sa mga nangyayaromg krimen
- Anime o Cartoon – ito ay mga ginawa ng industriyang pang-animasyon. Ang anime ay mula sa Asya samantalang ang cartoons ay mula sa Amerika.
- Programang Semi-Iskripted – isang interaktibong programa at nagbabago-bago ang daloy ng palabas na ito.
- Talk Show o Palabas na Usapan – ito naman ay may host na nag-uusap sa mga sikat na tao.
- Komedi-Serye – ito naman ay nakapokus sa katatawanan
- Medikal Drama – ito naman ay hango sa kwento ng mga tauhan sa ospital
- Legal Drama – tumutukoy sa pinagdadaanan ng tao.
- Fantaserye – kadalasang may elemento ng pantasya, mahika, ekstraordinaryong pangyayari o mga kamangha-manghang abilidad
- Tele-Pambata – ito naman ang serye na ang pokus ay purobata
- Sci-Fi o Science Fiction – mga serye na may elemento ng teknolohiya at kadalasan ang kwento ay mga pangyayari sa hinaharap.
- Sitcom – katulad ng komedi-serye, ito ay nakakatawa pero gaya ng talk show, ito ay nasa studio set.
- Game Show – ito ay mga palabas na may mga laro at may papremyo
- Reality TV Show – ito naman ay mga palabas na susubok sa katatagan, prinsipyo at disiplina ng mga kalahok.
- Balita at Serbisyo-Publiko
- Primetime Balita – ito ay mga balita sa buong araw at pinalabas bago ang primetime sa gabi
- Flash Report – ito naman ay ipinapakita agad-agad sa mga manonood
- Dokumentaryo – Ito naman ay nakatuon sa kapakanan ng mga mamamayan at ang buhay ng mga tao sa lipunan
- TV News Magazine – ito naman ay napapanahong isyu sa lipunan at matalimang sinusuri ng mga broadkaster sa TV.
BASAHIN DIN – Elemento Ng Balagtasan – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Mga Elemento Nito
ito ay mula sa konsepto o istorya na nakabata sa iskrip at kadalasang pinapalabas