Uri Ng Maikling Kwento – Uri Ng Isang Panitikang Tuluyan
URI NG MAIKLING KWENTO – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang iba’t ibang uri ng maikling kwento, isa sa mga panitikang tuluyan,
Unahin muna natin kung ano ang ibig sabihin ng maikling kwento.
Maikling Kwento
Muli, ito ay isang panitikang tuluyan o prosa na hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan. Ito ay isa sa mga masining na anyo ng panitikang prosa.
Mga Uri
- Kwentong Makabanghay
- Ito ay isang uri na nagbibigay diin sa mga maayos na daloy na mga pangyayari o tinatawag ding banghay.
- Kwentong Katutubong Kulay
- Ito naman ay tumutukoy sa mga kapaligiran, tradisyunal, kultura at hanapbuhay ng mga lokal o mga nakatira sa mga tinutukoy o nasabing pook.
- Kwento ng Kababalaghan
- Isa sa mga uri na ang kontento ng kwento ay may elemento ng puro katatakutan at hindi kapanipaniwala na kung nasa Ingles ay tinatawag na horror.
- Kwento ng Tauhan
- Ito naman ay isang uri nito na kung saan ang interes at diin ay nasa pangunahing tauhan o protagonista.
- Kwento ng Katatawanan
- Ito naman ay isang uri na ang diin niya ay magpatawa at bigyang aliw at saya ang mga mambabasa ng kwentong ito.
- Kwento ng Pag-ibig
- Ito naman ang kwento na kung saan ang diin ay ang pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan at ang katambal nito.
- Kwento ng Kaisipan o Sikolohiko
- Isang uri ng kwento na sulok ang pag-iisip ng tauhan at inilalahad ito sa mga mambabasa.
- Kwento ng Talino
- Ito naman ay punong-puno ng suliranin na hahamon sa katalinuhan ng mambabasa at maaring walang katapusan.
- Kwento ng Pampagkakataon
- Ito ay isang uri ng kwento na isinulat para isa isang partikular na pangyayari tulad ng new year.
- Kwento ng Kapaligiran
- Ito naman ang kwento na ang paksa ay ukol sa kalikasan, kapaligiran at lipunan