Ano Ang Kultura Ng Mga Manobo? | Grupong Etniko Ng Pilipinas

Ano Ang Kultura Ng Mga Manobo? | Grupong Etniko Ng Pilipinas

KULTURA NG MGA MANOBO – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang kultura ng mga Manobo, isang pangkat etniko sa bansang Pilipinas.

Pero alamin muna natin kung sino ang mga Manobo at saan sila nanggaling?

KULTURA NG MGA MANOBO
Image from: Pinterest

Mga Manobo

Sila ay isa sa mga pangkat etniko ng Pilipinas na nasa mga lugar na katulad ng Agusan, Bukidnon, Cotabato, Davao, Misamis Oriental, at Surigao Del Sur.

Ang ibig sabihin ng salitang “manobo” ay “tao” o “mga tao”, na ito ay galing sa salitang “mansuba” na hango sa dalawang salitang “man” na ibig sabihin ay tao; at “suba” na nangahulugang “ilog”, samakatuwid ang kahulugan ng “mansuba” ay “taong-ilog”.

Kultura

Nanggaling sila sa mga taong lagalag na mula sa kanlurang bahagi ng Tsina. Ang marami sa kanila ay nakatira sa tabi ng ilog, tabi ng burol o sa talampasan sa maraming lugar sa Mindanao.

Ang kaingin ang kanilgang pangunahing industriya at ang pagtanim ng palay at mais ang pangunahing hanapbuhay nila.

May apat na uri ang mga Manobo: bagani (mandirigma), baylan (mga pari at manggagamot), manggagawa (magsasaka) at mga alipin (mga bihag na kalaban o mga naparusahang kauri).

Ang kommunidad ng mga Manobo ay maliit at nabubuo ng apat hanggang sandosenang mga bahay. Mayroon ring silang agriculturang slash-and-burn.

Ang kasuotan nila ay isang binurdahan na gawa sa abaka. Kinukulayan ito gamit ang mga pangkulay sa kalikasan. Ang mga buhok nila ay inaayos sa estilong buns o bangs at nilalagyan ng suklay na gawa sa kawayan at may mga dekorasyon katulad ng perlas.

BASAHIN DIN – Buod Ng Alamat Ng Saging – Alamat Tungkol Sa Pinanggalingan Nito

Leave a Comment